
Collector Ugay pinasalamatan ng mga negosyante sa Cebu
DALAWANG checked-in luggage ng isang Liberian na galing Doha, Qatar ang naglalaman ng 8.1 kilograms na shabu at nagkakahalaga ng mahigit na P55.3 milyon ang nahuli ng mga taga-BOC-NAIA.
Pagkatapos na idaan sa x-ray scanning ang mga luggage ay nag-suspetsa ang mga taga-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may ibang laman ang mga ito.
Ang x-ray scanning ay isinagawa ng mga highly-trained operatives ng X-ray Inspection Project (XIP) na pinamumunuan ni Atty Ma. Lourdes V. Mangaoang.
At nang idaan ng customs examiner mula sa Arrival Operations Division sa 100 percent physical examination ang mga luggage ay dito na nakita ang mga shabu.
Ang Liberian ay dumating sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 4 sakay ng Qatar Airways flight No. QR 934 mula Doha.
Ang pasahero ay “temporarily held” ng Bureau of Immigration (BI dahil sa kawalan ng immigration papers, ayon pa sa report.
Sinabi naman ni Port of NAIA District Collector Yasmin Mapa, isang abogada, na tuloy-tuloy ang coordination nila sa iba;t-ibang partner grovernment agencies.
Ito ay para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga kontrabando, lalo na ang prohibited drugs na kagaya ng cocaine, shabu at kush o high-grade marijuana.
Sa totoo lang, ang unang “marching order” ni Pangulong Marcos sa mga taga-Bureau of Customs (BOC) ay ang paglaban sa illegal drug at agricultural smuggling.
Alam ni Pangulong Marcos na perhuwisyo sa mga magsasaka at mangingisda ang patuloy na illegal na pagpasok ng mga produktong agrikultura sa bansa.
Maraming buhay at pamilya naman ang sinisira ng mga ipinagbabawal na gamot hindi lang sa mga syudad kundi sa mga kanayunan sa buong Pilipinas.
Pinapurihan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang mga taga-Port of NAIA dahil sa pagkakasakote ng shabu na dala-dala ng isang Liberian.
Pinasalamatan din ni Commissioner Rubio ang Philippine Drug Enforcemernt Agency at NAIA Inter-Agency Interdiction Drug Group dahil sa kanilang suporta sa BOC.
Talagang malaki ang naitutulong ng partner agencies sa kampanya ng BOC laban sa isgmaling.
Tama ba kami, Commissioner Bien Rubio?
***
Kamakailan ay nakipag-usap si Port of Cebu District Collector Ciriaco DG Ugay sa mga lider ng mga negosyante sa Central Visayas.
Ang pulong ay naglalayong maghanap ng “ways to further improve business transactions as well as fortify the relationship[ between BOC and the business community.”|
Ang mga negosyante, na miyembro ng Cebu Chamber of Commerce and Industry, ay nagpasalamat sa BOC sa ginagawa nitong pag-“modernize and digitalize of customs processes.”
Saludo din sila sa BOC efforts “to simplify customs procedures and enhance transparency.”
Sinabi naman ni Ugay na “I cannot overemphasize the importance of collaboration between the BOC and the business community “to improve efficiency…and ensure the smooth flow of trade.”
Talagang malaki ang maitutulong ng magandang ugnayan ng mga stakeholder para mapabilis ang economic growth ng rehiyon at mapalaki ang revenue collection ng ahensya.
Hindi ba, Finance Secretary Benjamin Diokno?
***
Sinimulan na noong Martes, Hunyo 6, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang programa nitong “Bayanihan sa Barangay.”
Ang “Bayanihan sa Barangay” ay ang sama-samang paglilinis sa mga barangay, lalo na sa mga komunidad na “heavily-populated,” ayon sa MMDA.
Inilunsad ang programa sa Makati City, na kung saan nilinisan ang mga estero, drainage canal at ibang dalauyan ng tubig para malayang makaagos ang tubig-baha.
Pininturahan rin ang pedestrian lanes at road signages at tinanggal ang mga obstruction sa mga sidewalk.
Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na ang “Bayanihan sa Barangay” ay naglalayon din na itaas ang kaalaman ng taumbayan sa tamang pagtatapon ng basura.
Huwag natin kalimutan na madaling bumaha sa mga mabababang lugar dahil madaling umapaw ang mga daluyan ng tubig gawa ng mga nakabarang basura.
Sana pamarisan ng iba’t ibang local government units (LGUs) ang ginagawa ng MMDA.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected] Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)