Alden

Coco, no-show sa premiere night ng Alden-Julia movie

October 18, 2023 Jun Nardo 272 views

PAKINGGANG mabuti, namnamin at intindihin ang palitan ng dayalog nina Julia Montes at Alden Richards sa kabuuan ng pelikula nilang 5 Breakups and a Romance na aming napanood sa premiere night nitong Martes.

Nasa palitan kasi ng dayalog ang kuwento ng characters nila. Masaya nu’ng simula pero kalaunan ay nahaluan na ng mga problema, huh!

Magagaling ang halos lahat ng kasama sa movie pero sina Julia at Alden ang nagdala ng kuwento. Magdala ng pamunas ng luha dahil puno ito ng iyakan, huh!

Present sa premiere sina Sharon Cuneta, na anak na ang turing kina Julia at Alde, Kathryn Bernardo at iba pang Kapuso stars.

Wala nga lang ang anino ni Coco Martin na ayaw sigurong mapanood ang laplapan at love scene nina Julia at Alden.

Here’s wishing na pumatok sa takilya ang 5 Breakups and a Romance na showing na sa mahigit 200 cinemas.

AUTHOR PROFILE