Coco2

Coco maraming beses na-reject bilang actor

March 29, 2023 Aster Amoyo 445 views

Coco1NAGKAROON ng presscon after the movie screening ng “Apag” sa The Block SM North EDSA. Inilahad ni Coco Martin ang kanyang sobrang kasiyahan working again with his favorite director and longtime friend na si Brillante Mendoza and his co-workers na sina Jaclyn Jose, Gina Pareno, Julio Diaz and Mercedes Cabral maging si Shaina Magdayao na matagal niyang nakatrabaho sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Natutuwa ang actor, director at producer that he gets to do different genres. Action-drama ang kanyang tumatakbong seryeng “FPJ’s Batang Quiapo,” romantic-comedy naman ang kanyang recent Metro Manila Film Festival movie with Jodi Sta. Mariamna ‘Labyu with an Accent’, at family-oriented drama movie naman itong “Apag” and his first time to join the Metro Manila Summer Film Festival.

Samantala, ibinahagi ni Coco ang kanyang struggle noon bilang actor na mapasok sa mainstream TV at pelikula.

Nakaranas umano siya ng iba’t ibang rejection noon. At one point, kinunsider siyang maging third-wheel sa isang Shaina Magdayao at Rayver Cruz TV series but at the last minute ay kinansela umano siya dahil isa umano siyang bold actor. In another project na pagbibidahan umano ni Judy Ann Santos ay hindi umano siya natuloy for the same reason at dumating pa sa point na ayaw na umano niyang pasukin pa ang telebisyon. But it was Jaclyn (Jose) who prodded him to consider another project na idinirek ni Andoy Ranay.

“Kapag hindi natuloy, ‘wag ka nang mag-TV kahit kailan,” sabi umano sa kanya ng premyadong actress.

Luckily for Coco, natuloy ito at `yun ang naging pasaporte niya sa kanyang tuluyang pag-invade sa telebisyon bilang actor hanggang sa kanyang pagiging superstar.

Pagkakasali ni Coco sa ‘Apag,’ suntok sa buwan kay Direk Brillante

Coco3Coco4DALAWA na sa walong official entries ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival ang aming napanood, ang “Apag” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Gladys Reyes kasama sina Jaclyn Jose, Lito Lapid, Gina Pareho, Mercedes Cabral at iba pa na dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza at ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” na pinagbibidahan ni RK Bagatsing mula sa direksyon ni Joven Tan under Saranggola Film Productions.

Pareho naming nagustuhan ang dalawang pelikula na magkaibang-magkaiba ang tema.

Sa pelikulang “Apag” (Kapampangan term ng ‘hapag’ o dining table, or feast of food) na isang family-oriented drama film ay pinagbibidahan ng award-winning actor, director at producer na si Coco Martin kasama sina Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Gina Pareno, Shaina Magdayao, Julia Diaz at iba pa at dinirek ng kauna-unahang Filipino na nanalong Best Director sa Cannes Films Festival na si Brillante Mendoza.

Gina and Jaclyn were both cited in the Brillante Mendoza megged movie na “Serbis” sa 61st Cannes Film Festival, the same international filmfest na nagbigay ng parangal bilang Best Actress kay Jaclyn nung 2016 para sa pelikulang “Ma’ Rosa”.

Si Brillante ang director ni Coco sa kanyang first indie film, ang “Masahista” in 2005, also the filmmaker’s directorial debut na sinundan ng “Serbis” at “Tirador” in 2008 at “Kinatay” in 2009, all critically-acclaimed and award-winning movies.

Kaya ang pelikulang “Apag” ay reunion movie nina Coco, Jaclyn, Gina and Julio Diaz with Direk Brillante. The movie will also do the rounds ng iba’t ibang international film festivals. Isa ang pelikulang “Apag” sa inaasahang hahakot ng awards sa gabi ng Parangal ng 1st Metro Manila Summer Film Festival.

Coco was not even the first choice ni Direk Brillante for his role in “Apag” kundi ang actor na si Aljur Abrenica but the latter backed-out from the project at walang ibang choice ang mahusay na director kundi ang kanyang discovery at longtime friend na si Coco.

Alam ng director na parang suntok sa buwan ang kanyang gagawin dahil alam niya kung gaano ka-busy si Coco bilang actor, director at producer. Pero sinubukan pa rin niya itong kausapin and to his surprise ay hindi siya nagdalawang salita rito. Inayos ni Coco ang kanyang schedule at isiningit niya ang filming ng “Apag.” Balewala kay Coco kung hindi man siya ang first choice for the role.

Ayon kay Direk Brillante, he is so thankful kay Coco for considering the role in “Apag” dahil blessing in disguise din umano ang nangyari. Ang isa pang ikinatautuwa ng director ay wala umanong ipinagbago ang actor-director sa pag-uugali liban lamang sa kanyang pagiging superstar at mayaman ngayon.

“ He (Coco) has remained humble all these years at hindi siya pinagbago ng kanyang estado ngayon,” pahayag pa ng premyadong director.

Puring-puri din si Coco ng kanyang mga nakaka-trabaho gayundin sa cast ng “Apag” na sina Gladys, Jaclyn, Gina, Shaina, Julio, Mercedes at iba pa.

Gladys pinaghahanda na ng gown para sa awards night

CocoSAMANTALA, tuwang-tuwa si Gladys Reyes na sa wakas ay nakatrabaho rin niya ang isa sa kanyang mga hinahangaang actor na si Coco Martin. Hindi nito (Gladys) napigilan na maging emotional dahil sa napakalaking break na ipinagkatiwala sa kanya nina Direk Brillante at Coco sa pelikulang “Apag”.

“Sinabihan ko na si Gladys (Reyes) na maghanda na ng kanyang gown,” birong totoo sa kanya ng co-actgor na si Jaclyn Jose pagkatapos ng movie screening ng “Apag” na ginanapsa Cinema 2 ng The Block ng SM North EDSA.

Yassi sa relasyong Issa-James: ‘Walang masama’

JamesJamesMATAGAL nang magkakaibigan sina Yassi Pressman at ang dating magnobyong James Reid at Nadine Lustre maging ang younger siser ni Yassi na si Issa Pressman.

It was in November 2019 nang magkahiwalay sina James at Nadine pero nanatili silang magkakaibigan.

Nang magkahiwalay sina James at Nadine, it was the latter ang nakapag-move on kaagad when she entered into a new romantic relationship with a French-Filipino businessman based in Siargao na si Christophe Bariou. Habang si James ay nitong mid-March lamang inilantad ang bagong pag-ibig nang mamataan ito kasama ang nakababatang kapatid niYassi Pressman na si Issa sa recent concert ni Harry Styles (dating member ng British pop group na One Direction) at the Philippine Arena where the couple was seen holding hands and enjoying the concert.

Ang relasyon nina James at Issa dispels rumors na may romantic relationship ang singer-songwriter, actor, record producer at talent manager sa dating star ng ABS-CBN at contract artist niya ngayon na si Liza Soberano who is still in a relationship with her former loveteam (at the Kapamilya network) na si Enrique Gil.

Kung siYassi mismo ay nagulat sa relasyon ngayon ng kanyang nakababatang kapatid at kaibigang si James, wala naman umanong dahilan para hindi siya maging masaya para sa dalawa na pareho namang single. Yassi herself is in a relationship with Canada-based Jon Semira.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE