Julia Montes and Coco Martin

Coco at Julia discreet pa rin sa relasyon

July 8, 2021 Aster Amoyo 986 views

MARAMI ang nagtataka kung bakit kailangan pang itago nina Coco Martin (39) at Julia Montes (26) ang kanilang relasyon considering na wala naman silang natatapakan dahil pareho naman silang single.

Although there were sightings na magkasama ang dalawa, naging very discreet sila sa kanilang relasyon.

Last March 2021, nakita sina Coco at Julia na magkasamang nagbakasyon sa Boracay at nito lamang nakaraang July 2 ay nakitang muli ang dalawa sa Greenhills, San Juan.

Nariyan pa ang balitang nagsilang umano si Julia ng first baby nila ni Coco nung April 2019 bagay na hindi naman kinumpirma or dinenay ng dalawa. At kung totoo ang balitang ito, more than two years old na ngayon ang baby nina Coco at Julia. Pero maging sa kanilang rumored baby ay tikom ang bibig ng dalawa.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagre-request na sana’y pagtambalin sina Coco at Julia pero si Coco umano ang ayaw dahil tiyak na lalo silang mawawalan ng privacy ni Julia.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hanggang September this year na lamang ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco where he’s also a co-director? Paabutin umano sa ika-6th anniversary ang program ana susundan ng another FPJ movie adaptation na pagbibidahan pa rin ni Coco.

The award-winning actor is said to be reuniting with his “Masahista” and “Serbis” director, ang international award-winning director na si Brillante Mendoza in another upcoming movie project.

Come November 1 ay magpu-forty years old na si Coco who is Rodel Pacheco Nacianceno in real life. Dito na kaya mag-propose ng marriage kay Julia si Coco?

Abangan!

Ciara kinumpirmang hiwalay na sa Fil-Am BF

ON her 41st birthday ay kinumpirma ng bunsong anak nina Senate President Tito Sotto at ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa na si Ciara Sotto na hiwalay na sila ng kanyang Fil-American boyfriend na si Ian Austin na nakilala niya sa Las Vegas, Nevada kung saan nag-stay ng ilang taon ang singer-actress.

Ciara Sotto

Ciara has a 6-year-old son sa kanyang ex-husband, ang executive ng APT Entertainment na si Jojo Oconer na si Crixus. Ang dating couple ay ikinasal in 2010 at nagkahiwalay nung January 2016. Naaprubahan naman ang kanilang annulment of marriage in February 2019.

The singer-actress admitted na magkaibigan sila ng kanyang ex-husband na si Joe dahil na rin sa kanilang anak na si Crixus.

Si Ciara ay first cousin ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ang kanilang respective mothers, the late Elaine Gamboa-Cuneta at Helen Gamboa-Sotto ay magkapatid.

Ngayong single na muli si Ciara, bukas umano ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.

Si Ciara ay naging kasintahan din noon ng actors na sina John Lloyd Cruz at Onemig Bondoc.

After her break-up with her ex-husband na si Jojo Oconer, si Ciara and her son na si Crixus ay bumalik sa bahay ng kanyang parents sa White Plains in Quezon City.

Bela leaving for good?

IS Fil-British writer-actress Bela Padilla turning her back from showbiz? Ito ngayon ang espekulasyon ng marami matapos ang madamdaming pamamaalam ng aktres sa kanyang best friends na sina Dani Barretto-Panlilio at ang fashion stylist na si Adrianne Concepcion kamakailan lamang. Ang huli ang siyang tumulong kay Bela sa pagi-empake ng kanyang mga gamit – tatlong malalaking maleta at duffel bag.

Bela Padilla
Bela Padilla

Marami rin ang naniniwala na magsi-settle na sa Switzerland si Bela kasama ang kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay na nakilala niya in 2018 habang ginagawa niya ang pelikulang “Meet Me In St. Gallen” with Carlo Aquino in Switzerland. Ang nasabing pelikula ay mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor.

Si Bela ay huling napanood sa primetime TV series na “Sino Ang May Sala? Mea Culpa” in 2019 at sa pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” na muli nilang pinagtambalan ni JC Santos mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor na ipinalabas in January 2020. Tapos na rin gawin ni Bela ang Filipino adaptation ng South Korean movie na “Spellbound” na pinagtambalan nila ni Marco Gumabao under Viva Films. Tinapos na rin niya ang kanyang directorial debut na “366” na siya rin ang sumulat at bida along with Zanjoe Marudo at JC Santos.

Bago ang kanyang present boyfriend na si Norman, Bela was in a long relationship with businessman-producer-director na si Neil Arce na umabot ng mahigit apat na taon. Neil, as everybody knows, is now engaged to be married with actress-philanthropist na si Angel Locsin at ang dalawa ay nakatakdang ikasal before Christmas this year.

While Bela is happy for her ex-boyfriend na si Neil at fiancée nitong si Angel, she is also happy with her present boyfriend na si Norman na mukhang siya na ring gusto niyang makasama for the rest of her life.

Vin, Sophie welcome baby

ENGAGED couple and reality talent-based Artista Academy grand winners Vin Abrenica and Sophie Albert are brand new parents to their almost four months old baby na si Avianna.

Although hindi pa ikinakasal sina Vin at Sophie, focused muna sa kanilang baby na nagbibigay sa kanila ng kakaibang joy.

It was in 2012 na parehong tanghaling grand winners ng Artista Academy ng TV5 sina Vin at Sophie. They started dating the following year pero sila’y naghiwalay in 2016 only to reconcile in 2019. The couple got engaged in December 2020 at kasunod na rito ang kanilang pagsasama at pag-announce ng kanilang magiging unang baby. It was on March 15, 2021 nang isilang si Baby Avianna.

Si Sophie ay related to sa mga Cojuangco. Pamangkin siya bale ni Kris Aquino at ng yumaong dating Pangulo na si Noynoy Aquino maging ang equestrienne-actress na si Mikee Cojuangco-Jaworski. Pero never niya itong ginamit nang siya’y pumasok ng showbiz, una in 2007 nang siya’y maging miyembro ng Batch 15 ng Star Magic ng ABS-CBN without her mom’s knowledge. She stopped for a while and resurfaced in 2012 nang siya’y sumali sa Artista Academy reality talent search na lingid din sa kaalaman ng kanyang ina.

Mula sa TV5, si Sophie ay lumipat ng GMA at sa ABS-CBN naman napunta ang nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE