Sam Larawan: Sam Coloso/IG

Closer and closer

February 6, 2025 People's Tonight 170 views

MAS lalong pina-init ni multimedia star Sam Coloso ang social media matapos niyang ibalandra ang kanyang walang-kupas na kaseksihan sa isang beach getaway!

Suot ang nakakapaso niyang dark brown bikini, siya mismo ang naging tanawin. Mala-diyosang katawan, matapang na face card, at swabeng confidence — lahat na ng sangkap ng tukso, nasa kanya na.

“Pwede ka na sa FHM!” sigaw ng isang fan, tila gusto nang makita si Sam sa isang cover shoot. “The beach is nicer because of u. So hot! 🔥” hirit naman ng isa, habang may nagbiro pang, “Wala bang closest?” mukhang hindi pa kuntento sa pasabog ni Sam.

Kaya sa bawat patakam niyang post, mas lalong napapalapit ang fans… “closer and closer,” na siyang caption ng kanyang post.

AUTHOR PROFILE