
CLAUDINE WALANG ALAM SA PAGTAKBO NI GRETCHEN
Sandali naming nakatsikahan si Claudine Barretto sa premiere night ng When Magic Hurts sa Cabanatuan last Sunday at isa sa mga nilinaw ng press sa kanya ay kung totoo ang tsika na tatakbo ang ate niyang si Gretchen Barretto sa 2025 elections.
Ayon sa aktres, wala pa siyang alam tungkol dito.
“Wala akong alam sa ganyan. Walang nasasabi sa akin. Narinig ko rin ‘yan, eh. Pero wala akong alam,” she said.
Asked kung sa tingin ba niya ay papasok ang ate niya sa politika, aniya, “Sa tingin ko, hindi. I don’t think so.”
Pero kung sakali naman daw na talagang magdesisyon si La Greta na pasukin ang politika ay susuportahan naman niya siyempre.
“Of course naman, 100% always. Pwede ba namang hindi?” diin niya.
Kung siya naman ang tatanungin, aniya ay wala na rsiyang balak na tumakbo ulit.
Matatandaan na tumakbo ang aktres bilang konsehal ng Olongapo City noong 2022 elections pero hindi siya pinalad na manalo.
Aniya, once is enough at mukhang hindi niya linya talaga ang politika.
Samantala, kasama ni Claudine na dumalo sa preem night ang anak niyang si Aryanna na kasama rin sa pelikulang When Magic Hurts.
Proud na proud ang aktres sa papuring natatanggap ng kanyang anak sa performance nito sa movie.
“Sinasabi nila na magaling daw umarte si Aryanna. Siyempre, as a mom, nakaka-proud, sobra,” sey ni Claudine.
Showing na sa May 22 ang When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad at Mutya Orquia.