Viva

Cindy nahirapan sa first mother role

June 28, 2024 Vinia Vivar 73 views

Hindi nagdalawang-isip si Cindy Miranda na gumanap na isang nanay na may dalawang anak sa pelikulang Kuman Thong na idinirehe ni Xian Lim.

First mother role ito ng dating beauty queen at kahit nga hindi pa rin siya nanay in real life ay tinanggap niya agad ito simply because dream niya ang gumawa ng horror film.

“This is my first na mag-mother role. Gusto ko po talagang gumawa ng horror movie, at iyon ay nasabi ko sa mga boss ng Viva,” sey ni Cindy sa mediacon ng Kuman Thong sa Botejyu, Vertis North.

Kahit hindi pa nga raw niya nababasa ang script ay umoo na agad siya.

“Actually, hindi ko pa nababasa ang story, nag-‘yes’ na ako dahil sinabi nila na, ‘There’s a horror film na gagawin sa Thailand, gusto mo ba?’ Hindi po ako nag-isip, ‘yes po.’ Hindi ko pa rin kilala ang direktor ko, kung sino ang writer ng story, I just said ‘yes,’ because I really wanted to do a horror movie. Ganoon ako ka-excited,” kwento ng aktres.

At the same time ay ipinagdasal daw niyang tama ang kanyang desisyon na tanggapin ang proyekto.

“Ganoon ako ka-excited na iba naman, sa Thailand naman gagawin at makakatrabaho ang mga Thai actors, aside from these kids.

“Sobrang excited ako at nagpe-pray ako na ‘sana okey sa akin kahit hindi ko pa nababasa, sana tama ang naging desisyon ko, which is, wala akong naging regret,” lahad ni Cindy.

Pero aminado rin naman siyang hindi rin naging madali sa kanya ang pagganap na ina dahil nga hindi pa niya ito nararanasan.

“Actually ang hirap po, ito ‘yung hindi ba tayo kapag humugot tayo mas madali kapag kung may experience na sa isang bagay. But this one sabi ko, paano nga ba mawalan ng isang anak, eh, hindi pa ako nagkakaroon ng anak?’

“Ang bigat-bigat n’on. Sabi ko hindi ko alam kung saan ako huhugot.

“Well, nawalan na ako ng minamahal sa buhay, nawala na ang daddy ko or whoever. But this one, ibang level ito. Kaya masasabi ko kakayanin ko.

“I just did my best, hinugot ko kung ano man ang masakit sa akin kasi ang hirap talaga ilagay ang sarili mo sa bagay na hindi mo pa nai-experience.

“I hope, sana naging successful ako sa pag-portray ng pagiging ina kahit hindi pa ako nagiging ina,” sabi pa ni Cindy.

Mula sa Viva Films at Studio Viva, palabas na ang Kuman Thong sa mga sinehan nationwide sa July 3.

AUTHOR PROFILE