Christine1 Christine Bermas

Christine kasama na ni Willie pero ‘di iiwan ang Vivamax

July 25, 2024 Eugene E. Asis 523 views
Christine2
Christine Bermas
Willie
Willie Revillame

MASAYA ang Vivamax star na si Christine Bermas, na pangunahing bituin sa Vivamax movie na ‘Kaskasero’ kung saan kasama niya sina Angela Morena, Quinn Carillo at Itan Rosales sa direksyon ni Ludwig Peralta.

Una, dahil natupad na ang pangarap niya, na pangarap din ng maraming Vivamax stars, na makatawid sa mainstream.

Kasama siya ngayon bilang isa sa co-hosts ng bagong game show ni Willie Revillame, ang ‘Wil to Win’ na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.

Pero ayon kay Christine sa media conference ng pelikula nilang ’Kaskasero’ na palabas na sa July 26 handog ng Vivamax at 3:16 Media Network), hindi ganun kadali ang pinagdaanan niyang proseso.

“May istorya po kung paano ako napasok sa ‘Wil to Win,’” kuwento ni Christine. “Dalawang beses akong nag-audition.

“’Yung una, may mga kasama rin ako na mga taga-Vivamax, kami ni Quinn, but then, hindi ako nakapasok.

“Noong second time, hindi ko talaga tinantanan. Nag-audition uli ako. Ang mga kasama ko naman noon, puro beauty queens,” patuloy ni Christine, kung saan sinundot ng entertainment editor na si Jun Lalin ng: “Mukha ka namang beauty queen. Kahawig, ah hindi, kamukhang-kamukha mo si Shamcey Supsup.”

Nahihiya, natatawa si Christine: “Hindi po. Nakakahiya po. Basta, natuwa po siguro si Kuya Wil kasi hindi talaga ako nag-give up. Pumunta pa rin ako sa second audition.”

At marahil, nakitaan siya ni Willie ng persistence o perseverance kaya naman binigyan siya ng pagkakataon na makasama bilang co-host sa show.

Pero ayon sa kanya, hindi komo’t nasa isang mainstream show na siya tulad ng ‘Wil to Win’ ay iiwan na niya ang paggawa ng Vivamax projects.

In fact, excited nga siya sa bagong project na ‘Kaskasero’ na tungkol sa mga car racers.

Ayon kay Christine, bago sa kanila ang tema ng pelikula, ang car racing, kung saan iba’t ibang racing cars, from BMW to Mustang, ang ginamit nila.

Pangalawa sa dahilan kung bakit masaya si Christine ngayon ay dahil nagkabalikan na sila ng boyfriend na si Nico Locco, isang Canadian-Italian actor and model. Bagama’t umamin na si Nico sa kanyang pagkakamali, inaayos pa nilang mabuti ang kanilang relasyon. “It’s a work in progress po, but I think we’re getting there.”

Inamin noon ni Christine na si Nico ang nakapitas ng kanyang virginity, at nadala rin siya nito sa Canada para ipakilala sa mga magulang. Nakakapanghinayang nga naman kung basta na lang ito itatapon.

AUTHOR PROFILE