Santiago Inihayag ni NBI Director Jaime B.Santiago ang pagkaka-aresto sa isang Chinese national at pagka-rekober ng sky equipment sa kanyang sasakyan na nakaparada malapit sa panulukan ng COMELEC sa Intramuros, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Chinese nat’l arestado ng NBI, spy equipment nakuha malapit sa Comelec

April 29, 2025 Jonjon Reyes 96 views

Santiago1NATIMBOG ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese national matapos malaman na may spy equipment ito sa loob ng sasakyan habang nakaparada malapit sa main office building ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila, Martes ng hapon.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, posibleng mahaharap sa aksong paglabag na Espionage Law at Data Privacy Act kaugnay ng Cybercrime Law ang naaresto na nakilalang si Tak Hoi Lap, base sa nakuhang pasaporte sa kanya.

Nasabi din ni Lavin na halos banggain ang isang Mitsubishi Xpander upang hindi na makawala ang suspek. Matagal na itong inoobserbahan sa lugar, dahil sa posibilidad na magpalit na ito ng inupahang sasakyan dahil ang plaka ay number coding.

Nakuha sa loob ng sasakyan ang isang international mobile subscriber identity (IMSI) catcher na gamit sa paniniktik o pag-eavesdrop at pag-intercept ng mga mobile phone pati na rin ang pagsubaybay sa data ng lokasyon ng mga gumagamit ng mobile phone.

Patuloy ang isinasagawang inventory ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR)

Ayon pa kay Lavin may posibilidad na magamit ang nasabing equipment sa paparating na midterm elections, kaugnay sa hinalang panghihimasok ng China sa halalan sa bansa.

Agad nagpaabot ng pasasalamat at papuri si NBI Director Jaime B. Santiago sa mga operatiba ng NBI dahil sa mabilis na aksiyon at mapayapang pagka-aresto ang suspek.

“Hindi kami titigil at lalo pa naming paiigtingin sa pagsugpo sa mga gumagawa ng hindi kanais nais sa ating bansa,” saad ng butihing director Santiago.

AUTHOR PROFILE