Posas

Chinese national nalambat sa illegal detention, kidnapping

July 23, 2024 Gil Aman 258 views

ARESTADO ang Chinese national noong Lunes dahil sa kasong serious illegal detention at kidnapping ng babaeng biktima sa Punta Aldea subdivision sa Brgy. Punta, Calamba City, Laguna.

Nakilala ng Calamba City police ang biktima na si alyas Li at si alyas Hu ang itinuturong suspek na naaresto ng pulisya.

Hinuli ang suspek dahil sa sumbong ni Jovan Magayon Castillo, security guard ng Punta Aldea subdivision.

Sa pahayag ni Li sa pulisya, sinabi niya na sapilitan siyang kinidnap ng suspek saka dinala at ikinulong sa nasabing subdivision.

Nakatakas at nakapag sumbong sa guwardiya ang biktima kaya naipaabot sa mga pulis ang sinapit niya.

Mabilis namang naaresto ng pulisya ang suspek na positibong kinilala ng biktima na nadatnan sa pinagdalhang bahay.

Sinampahan na ng pulisya ng reklamong serious Illegal detention at kidnapping ang suspek.

AUTHOR PROFILE