![Default Thumbnail](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/07/image.jpg)
Chinese national ipinalalagay na nahulog sa condo, tigok
PATAY na ng matagpuan ang Chinese national na pinaniniwalaang nahulog sa kanyang condominium unit noong Huwebes sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City.
Ayon sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-12:35 ng tanghali ng matagpuan ng mga guwardiya ang 60-anyos na biktima na nakahandusay sa semento ng condominium.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga pulis sa kaso at susuriin din ang mga CCTV sa lugar para malaman kung ano talaga ang nangyari.