Edu

Cherry Pie at Edu naghiwalay pero magkaibigan pa rin

December 22, 2023 Aster Amoyo 591 views

Edu1BAGO pa man napabalita ang break-up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, gayundin ng iba pang celebrity couple ay tahimik lamang na nagkahiwalay ang former lovers na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na barely two years lamang umabot ang relasyon. Pero ang maganda sa dating magkasintahan, nagkahiwalay silang magkaibigan pa rin and they only have good words for each other.

As early as April this year ay may suspetsa na kaming hiwalay na ang dalawa when we accidentally bumped into Cherry Pie and her son Nio Tria na hindi kasama si Edu sa Padre Pio Church in Libis, Quezon City during our Visita Iglesia. Pero hindi na namin tinanong kung bakit hindi nila kasama ang veteran actor hanggang sa may lumutang nang balita na hiwalay na umano ang dalawa but neither party would confirm nor deny about the separation. It was only recently nang personal na aminin ni Cherry Pie na wala na umano sila ng ama ni Luis Manzano pero walang ibinigay na dahilan ang mahusay na aktres kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Edu.

Although they dated before, it was only in 2021 nang muling magkalapit sina Edu at Cherry Pie nang muli silang magsama sa dating TV series ng ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You” na pinagtambalan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino at kung saan din nagsimula ang relasyon ng dalawa.

Princess inaming hindi niya mundo ang showbiz

PrincessPrincess1Princess2ISANG taon lamang sumubok sa showbiz noon ang isa pang kapatid ni Sen. Bong Revilla na si Princess Revilla na isa na ngayong successful businesswoman. Kilala na rin siya bilang isang civic leader kahit hindi nito pinasok ang larangan ng pulitika katulad ng kanilang yumaong amang si dating Sen. Ramon Revilla, Sr., kapatid niyang si Sen. Bong at iba pang mga kaanak.

Naniniwala si Princess na hindi umano niya mundo ang showbiz at sa ibang field siya nag-excel, sa larangan ng construction business kung saan din involved ang kanyang panganay na anak na si Anton. Her second son na si Igi ang pumasok sa pulitika bilang isa sa mga konsehal ng Imus, Cavite habang ang kanyang kai-isang anak na si Angelica ay nasa beauty business naman. Ang tatlo niyang anak sa kanyang ex-husband na isang doctor ay pare-pareho nang nakapagtapos sa kanilang pag-aaral.

Her being a single mother to her three children was not an easy task lalupa’t pinagsabay niya ang kanyang pagiging isang family woman at negosyante habang lumalaki ang kanyang mga anak.

“But I’m thankful to God na lumaki ang mga anak kong mababait at nakapagtapos sa kanilang pag-aaral,” pahayag pa ni Princess.

“Although magkakaiba ang kanilang interes, I am truly proud of my children,” aniya.

“They’re also supportive sa mga charity and civic works ko,” patuloy pa niya.

“Ipinamulat ko sa mga anak ko ang pagtulong sa kapwa na siya ring itinuro sa aming magkakapatid ng aming namayapang ina (Azucena Mortel-Bautista),” kuwento pa ni Princess.

In memory of her late mother ay itinayo ni Princess nung 1999 ang Azucena Mortel Bautista Foundation at nitong 2021 ay itinatag naman niya ang Princess Revilla Foundation, Inc. (PRFI) na nagbibigay ng iba’t ibang livelihood projects sa mga kababaihan, educational and scholarship grants, medical missions, mass feeding programs at iba’t ibang programa na ang mga beneficiary ay ang marginalized sector ng ating Lipunan.

Ayon kay Princess, masaya umano siya sa kanyang ginagawa dahil nagbibigay umano ito ng kakaibang fulfillment sa kanya.

Coun. Alfred pinagbago ng buhay-may-asawa

VargasVargas1HINDI ikinakaila ng actor, politician, film producer and entrepreneur na si Alfred Vargas na na-`love at first sight’ siya sa kanyang Fil-Italian wife na si Yasmine Espiritu na ipinanganak at lumaki sa Italy.

Ayon sa actor at konsehal ng 5th district ng Quezon City, nakita umano niya si Yasmine sa backstage ng isang event na ipinag-imbita sa kanya ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes in Laguna. At that time ay nagbabakasyon sa Pilipinas si Yasmine na ang ancestral family ay sa Lumban, Laguna.

Sobra umano siyang na-starstruck sa beauty ni Yasmine at hindi umano siya tumigil hangga’t hindi niya ito nakikilala at nakuha ang number. At kasunod na rito ang kanyang panliligaw sa dalaga at wala umano siyang keber sa layo ng Lumban. Pagbalik sa Italy ni Yasmine ay kasintahan na ito ni Alfred pero hanggang doon ay sinundan ni Alfred ang dalaga para makilala ang pamilya nito. Ganoon siya na-seryoso sa kanyang intention kay Yasmine na nagkataon palang crush na siya nito bago pa man sila nagkakilala.

Sa isang pagkakataon na dumalaw si Alfred kay Yasmine sa Lumban, nakita niyang bukas ang isang kuwarto kung saan naroon ang kanyang poster. At that time ay bago pa lamang silang magkakilala ng dalaga. Nung maging sila na, inamin ni Yasmine na crush na niya si Alfred nang mapanood niya ito sa isang TV series ng GMA.

“Ito ang lalaking pakakasalan ko!” deklara ni Yasmine sa kanyang mga kamag-anak sa Lumban sabay turo sa poster ni Alfred na kanyang nakuha. Ang poster ay nakakabit sa wall ng kuwarto ni Yasmine na nakita mismo ng actor.

Talagang itinadhana sina Alfred at Yasmine na magkatagpo. Na love at first sight si Yasmine kay Alfred nang mapanood niya ito sa telebisyon at gayundin ang naramdaman ng actor nang first time niya makita nang personal si Yasmine.

The couple first got married in a civil wedding nung August 10, 2010 pero ang kanilang church wedding ay nangyari seven years later in 2017 dahil magkasunod na pumanaw ang separated parents ng actor na parehong hindi na umabot sa kanilang star-studded church wedding na ginanap sa Manila Cathedral.

Kahit nung panahon na magkasintahan na sina Alfred at Yasmine ay tinapos ng huli ang kanyang pag-aaral ng koliheyo sa Italy bago sila nagpakasal at mamirmihan sa Pilipinas.

“Maraming nabago since I got married,” pag-amin ni Alfred sa aming exclusive na panayam sa kanya sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” sa aming YouTube channel.

“Nawala na ang barkada at focus na tayo sa pamilya,” aniya.

Pati ang pag-inom with friends at paninigarilyo ay hininto na rin ng actor-producer at politician.

Alfred was in his teens nang magkahiwalay ang kanyang parents. Naiwan silang apat na magkakapatid sa kalinga ng kanilang ina who was a government lawyer. Hindi umano ito naging madali sa kanilang ina pero naigapang pa rin silang magkakapatid.

Even as a young boy ay may skills na si Alfred sa business. May mga kaibigan siya na nanghuhuli umano noon ng gagamba at ibebenta sa kanya ng piso isa at ibebenta naman niya sa iba ng P20 pesos kaya may P19 pesos siyang tubo. There was also a time na naglilinis siya ng kotse ng kanilang kapitbahay na Koreano at kumikita umano siya ng P20 to P30 kaya meron umano siyang extra money kapag pumapasok siya sa school.

Alfred has two elder sisters and a younger brother na si PM na kongresista ngayon sa 5th district ng Quezon, ang posisyon na dati niyang hawak bago siya bumalik sa pagiging konsehal.

“I have more time now with my family,” aniya.

Alfred and wife Yasmine are expecting their fourth child at medyo may pagka-maselan ang pagbubuntis ngayon ng huli. Pero umaasa ang actor-politician at film producer na magagiging safe ang delivery ng kanilang pang-apat na anak. The three elder children ay sina Alessandra, Aryana at Alfredo Cristiano IV.

Samantala, hindi man nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Pieta” na pinagtatambalan nila ng superstar at National Artist na si Nora Aunor, Alfred is hoping na ito’y na ito’y maipapalabas sa mga sinehan early 2024. Tampok din sa pelikulang dinirek ni Adolf Alix sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Ina Raymundo at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE