Tirzo

Chairman Tirso sa pamumuno ng FDCP sa MMFF: It won’t happen overnight

July 29, 2022 Ian F. Fariñas 317 views

HINDI ganu’n kadaling maisasakatuparan ang hiling ng ilang kampo, kasama na si Senator Robinhood Padilla, na ilipat sa mga taga-industriya ang pamamahala sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) na ngayo’y nasa MMDA.

Ito ang reaksyon ni Chairman Tirso Cruz III ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa balita na ang ahensiya ang napipisil na mamuno sa MMFF.

Sa kanyang pagdalo sa inauguration ng bagong Mowelfund building nu’ng Huwebes, sinabi ni Chairman Tirso na,

“I think we will have to talk about it. I mean like it’s not something that you just snap your finger and it happens overnight, ’di ba? I’m sure naman we will be able to strike a compromise and work out something na makakatulong for everybody’s sake. Para sa ikagaganda nga, sabi nga nila, sa ikagaganda ng industriya at ikagaganda ng buhay ng bawat isa sa atin, dapat talaga laging let’s meet halfway, let’s compromise, let’s talk about it.

Tingnan natin kung saan ’yung pinakamaganda para maibangon ang ating industriya, kung saan ’yung pinakamagandang mga paplanuhin namin.

“So, it will take a lot of meetings, a lot of dialogues with the people involved.”

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinabi rin ni Chairman Tirso na hindi siya mangangako ng kung anu-ano.

“I will make no promises but I will make sure that the fdcp will be very transparent specially for the people involved, lahat, for each and every member of the film industry mula ho sa top hanggang sa ’yung mga worker natin, specially sa mga worker natin.

“And looking forward, as much as possible, kung ano ’yung maitutulong namin that is within our mandate, of course, we will do it for them,” paliwanag niya.

AUTHOR PROFILE