Khonghun Zambales Rep. Jefferson Khonghun

Chairman Jefferson Khonghun: Kompanyang nagpapagamit sa China i-boycott!

April 25, 2025 People's Tonight 89 views

NANAWAGAN si House special committee on bases conversion chairman at Zambales Rep. Jefferson Khonghun nitong Biyernes na imbestigahan ang isang kompanyang nakabase sa Makati na umano’y kinontrata ng pamahalaan ng China upang ipakalat ang naratibo nito na nagpapaliit sa integridad ng Pilipinas.

Kasabay nito, muling umapela si Khonghun sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidato na maka-Tsina sa darating na halalan sa Mayo 12, at sa halip ay iboto ang mga nasa senatorial ticket ng administrasyong Alyansa para sa Bagong Pilipinas na suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Sinabi ni Khonghun na dapat imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ang umano’y pakikipag-ugnayan ng nasabing kompanya sa pamahalaang Tsino at tukuyin kung ito ba ay lumalabag sa alinmang batas ng bansa.

“There must be a violation somewhere in our laws for a Filipino company or a firm operating in our country that works against our national interest,” pahayag ni Khonghun.

“If there is, the concerned agencies should file charges against the firm and its responsible officers,” dagdag pa niya.

Nanawagan din ang lider ng Kamara mula Zambales sa mga kompanyang pag-aari ng Pilipino at iba pang negosyo na nakabase o may operasyon sa bansa na i-boycott ang nasabing kompanya.

“Filipino businessmen and entities making money in our country should not be enablers of Chinese false narratives,” ani Khonghun.

Si Senate Majority Leader Francis Tolentino ang unang nagsiwalat sa umano’y kontrata ng nasabing kompanya sa pamahalaang Tsino sa isang pagdinig noong Huwebes.

Ayon kay Tolentino, na tumatakbo sa ilalim ng Alyansa, ang kontrata ay para sa paggamit ng mga “keyboard warriors” upang itulak ang mga naratibo ng China.

“China’s government through its embassy is paying Filipino troll farms to oppose and smear the administration,” ani Khonghun.

Sa parehong pagdinig, sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na may mga “indikasyon” silang nakita na pinopondohan ng Tsina ang ilang kandidato sa halalan sa Mayo 12.

“Let us be wary of these pro-China candidates. Our voters and our people in general should not support them,” pahayag ni Khonghun.

Sinabi niya na karamihan sa mga kandidatong ito ay konektado umano sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, na pabor sa pakikipagkaibigan sa Beijing noong kanyang termino sa kabila ng patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

“Let us instead vote for Team Pinas,” aniya, na tumutukoy sa Alyansa senatorial slate ni Pangulong Marcos Jr.

“They will help the President protect national interest, national sovereignty and our country’s territorial integrity,” dagdag pa niya.

Hinimok ni Khonghun ang mga botante na isaisip ang paglalarawan ng Pangulo sa kanyang mga kandidato sa Alyansa: “Wala sa kanila ang mga pumapalakpak sa Tsina at natutuwa pa kapag tayo ay binobomba ng tubig, tinatamaan ang ating mga Coast Guard, hinaharang ang ating mga mangingisda, ninanakaw ang kanilang huli, at bukod pa roon ay inaagaw pa ang mga isla natin para maging bahagi ng kanilang bansa.”

Dagdag pa ng Pangulo, wala sa kanyang mga kandidato ang may dugo ng “tokhang,” ang terminong tumutukoy sa giyera kontra droga ni Duterte, sa kanilang mga kamay.

AUTHOR PROFILE