Default Thumbnail

Centro de Turismo Intramuros bubuksan sa Hunyo 12

June 9, 2024 Edd Reyes 167 views

NAKATAKDANG buksan sa publiko ang Centro de Turismo Intramuros, na naglalayong itulak ang dating Spanish enclave na maging destinasyon ng turismo, kasaysayan at kultura, sa Independence Day sa Hunyo 12, 2024.

Naisakatuparan ang Centro de Turismo Intramuros dahil sa pagsisikap ng tanggapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbog” Marcos, Jr, at Unang Ginang Liza Araneta Marcos pati na ang Department of Tourism at Intramuros Administration.

Nasa loob ang Centro de Turismo ng dating San Ignacio Church, isa sa pitong simbahan sa Walled City na nawasak sa “Battle of Manila” noong 1945.

Matutunghayan dito ang museo na nagtatampok sa makasaysayang relics na magpapaalala sa mga bibisita ang kasaysayan ng Walled City mula pa sa panahon ng mga Kastila hanggang sa mawasak noong World War 2.

May malawak sa espasyo ang Centro para sa iba’t-ibang okasyon o aktibidad na makakatulong sa turismo.

Ayon kay Intramuros Administrator Atty. Joan Padilla, sagisag ang Centro de Turismo Intramuros ng mga mithiin ni San Ignacio, na naging bantog sa pagtataguyod ng edukasyon at paggalugad sa iba pang kaalaman.

“This center is not just a place to visit; it is a gateway to understanding and appreciating our rich past and the dynamic possibilities of our future.

We see this center opening up new opportunities for Intramuros as a prime tourism destination,” dagdag pa ni Padilla.

AUTHOR PROFILE