
Celebs pinusuan ang simula ng journey ni Maja bilang isang ina
Matapos makapanganak noong May 31 sa Canada sa first baby nila ni Rambo Nuñez na si Baby Maria, nagsimula na ang journey ni Maja Salvador bilang isang bagong ina.
Sa kanyang Instagram post ay makikita ang video kung saan ay karga-karga at hinehele niya ang bagong silang na sanggol.
“My heart,” caption ni Maja.
Sa comment section ay sumagot naman ang mister niyang si Rambo ng “My life.”
Tuwang-tuwa naman ang netizens at na-touch na makita si Maja for the first time bilang isang ina.
“Enjoy motherhood,” komento ng dating singer na si Carlo Banawa.
“You’ve always been beautiful, but seeing you as a mom…it’s like seeing real beauty that isn’t just superficial. The heart of a mother is beyond beautiful. I’m so happy seeing you have these moments, Maj. I hope you’re recovering well,” komento naman ng isa pa.
“I’m so happy for you,” sabi naman ni Marjorie Barretto.
Nagsipag-react din ng heart emojis ang iba pang kapwa-celebrities ni Maja.