Tourist TOURIST DRAWER–Isa ito sa mga makikita sa The Centro de Turismo Intramuros (CDTI) na pinangunahan ni First Lady Liza Marcos ang grand opening noong Hunyo 9.

CDTI pinasinayaan, bukas na sa Hunyo 12

June 10, 2024 Jonjon Reyes 90 views

PINASINAYAAN ni First Lady Liza Marcos ang The Centro de Turismo Intramuros (CDTI) sa Intramuros Tourist Center sa Maynila.

Kasama sina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Intramuros Administrator Joan Padilla, ginanap ang ribbon-cutting ceremony noong Linggo.

Sa gitna ng Intramuros nakatayo ang CDTI na matatagpuan sa dating kinatatayuan ng San Ignacio Church.

Ang pagbabagong anyo ng dating simbahan ginawa bilang isang masiglang sentro ng turista ang dating kagalang-galang na simbahan.

Magbubukas sa publiko simula sa Miyerkules ang CDTI kasabay ng pag gunita ng ika-126 na Araw ng Kalayaan. Bukas ang CDTI mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Magpapalabas ng mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Intramuros ang CDTI simula sa precolonial period hanggang sa kolonyal na panahon ng Espanyol noong nasa Intramuros pa ang seat of Spanish government.

Nagpapakita din ang CDTI ng mga eklesyastikal na koleksyon ng Intramuros Administration at karamihan sa mga ito nahukay mula sa mga guho ng San Ignacio Church.

Malapit ng maging bahagi ng Hop-On-Hop-Off Manila-Cultural Hub ang CDTI.

AUTHOR PROFILE