
Cayetano: Tiwala ng publiko sa batas dapat bumalik
HINIMOK ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Philippine National Police (PNP) na tulungang mapanumbalik ang pagmamahal at tiwala ng publiko sa batas.
“We are taught as human beings that part of being ‘cool’ is rebelling against the rules. But people forget that there’s a difference between the law and the rules,” wika ni Cayetano sa groundbreaking ceremony ng pinakabagong Regional Forensic Unit-National Capital Region (RFU-NCR) crime laboratory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig noong Biyernes.
Napansin ng senador na nagiging ugali na ng mga Pilipino ang pagsuway sa mga tuntunin–gaya ng mga traffic regulations–at nauuwi ito sa isang kulturang isinasantabi ang batas.
Ayon kay Cayetano, isang natupad na pangarap ang bagong PNP crime laboratory at tiwala siyang mapapabilis nito ang mga imbestigasyon sa bansa at maibabalik ang tiwala ng publiko sa batas.
“The crime lab will be a magnificent addition to your professionalism… We should work together in re-establishing to people that if you love the law, the law is there to protect you,” dagdag pa niya.
Hinimok ni Cayetano ang PNP na gamitin nang maayos ang mga pagsisikap ng pamahalaan na gawing makabago ang kanilang operasyon at maging prayoridad nito ang pagbabago ng bansa.
“I hope you use this goodwill na pinagaganda natin ang mga kampo… Let us have the same priorities, my brothers and sisters in uniform, dahil ito ay para sa inyo, para ating mga kababayan at para sa ating mahal na bansang Pilipinas,” wika niya.
Nagpahayag na pag-asa si Cayetano na makapagbigay-inspirasyon ang lab sa mga mag-aaral na tahakin ang forensics.
Hinimok din niya ang Commission on Higher Education (CHED) na hikayatin ang mga mag-aaral na gawing karera ang agham.
Tiwala rin ang senador na maraming mag-aaral, lalo na ng malapit sa crime lab na Taguig City University, na maraming mag-aaral nito ang maging interesado sa science courses dahil alam nilang may malapit na gusali na kumpleto sa mga kagamitan at pasilidad.