Catriona

Catriona, iniintriga ng netizens sa engagement ring

February 5, 2024 Vinia Vivar 451 views

BUKOD kay Bea Alonzo, iniintriga rin ngayon ng netizens si Catriona Gray dahil napuna nila na hindi na nito suot ang engagement ring nila ni Sam Milby.

Sa Instagram ng Miss Universe 2018 ay tinanong siya ng netizens kung bakit hindi na niya suot ang engagement ring sa larawang ipinost.

“Queen hindi na ba tuloy ang kasal, kaya hindi mo na sinusuot ang engagement ring?” tanong ng isang netizen.

Sey naman ng isa pa, “Napansin ko din dina niya sinusuot engagement ring niya nalulungkot tuloy ako.. gustong gusto ko pa naman silang dalawa magkatuloyan inaabangan ko kasal nila at yung magiging baby nila.”

Komento pa ng isang follower, “Wala na talaga unh engagement ring.”

Tanong naman ng isang fan, “Hi idol.. Bkit wla n rin kyo picture together ni Sam milby? I feel sad.”

Matatandaang sa sabay na panayam kina Sam and Catriona sa ABS-CBN Ball last year ay sinabi nilang 2024 ang kanilang kasal at nagsimula na sila sa wedding preparations.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang dalawa sa latest issue na ito sa kanila at wala pa rin silang ibinibigay na update tungkol sa kanilang gaganaping wedding this year.

BAGONG BEAUTEDERM AMBASSADOR

Wala raw panahon si Gillian Vicencio sa mga negatron sa kanyang buhay.

Hindi kaila sa lahat na kinuyog ng bashers ang Kapamilya actress nang madamay sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at napagbintangang third party.

Aminado siya na sobrang challenging sa kanya ang pagtatapos ng 2023 pero isang bagay ang natutunan niya sa nasabing controvery – na magsalita ka man o hindi ay may masasabi pa rin ang mga tao.

Kwento niya, nagulat din siya sa mga nangyari pero mas pinili niya na lang na ipagpatuloy ang mga trabaho at ituon ang atensyon sa mga bagay na mas makakapanatili ng kanyang peace of mind.

Nanatiling positive ang aktres sa tulong ng kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan in and out of showbiz.

Sa halip na maapektuhan ng mga bashing ay itinuon na lang niya ang kanyang energy sa magagandang bagay na dumarating sa kanyang buhay.

At heto na nga, Pebrero pa lan pero sunud-sunod na ang blessings na labis niyang ipinagpapasalamat.

Isa na nga rito ay ang pagdating ng mga project at endorsement sa unang buwan pa lang ng taong ito. Kabilang na rito ang katatapos na theater play niyang Kumprontasyon kung saan ay pinuri ng mga manonood.

Isa pang magandang blessing this year ay nang kunin siyang ambassador ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan.

Hindi makapaniwala ang baguhan na isa na siyang Beautederm baby ngayon.

“Sobrang masaya kasi first endorsement ko ito, nakakatuwa na kahit baguhan at hindi pa ako ganoong kakilala ay nasama at pinagkatiwalaan ako ni Mommy Rhei kasi nga A-listers ang mga artista sa Beautederm,” sey niya.

Sa ngayon ay nagsimula na rin ang taping ng What’s Wrong With Secretary Kim kasama sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan ay muli silang magsasama ni Yves Flores.

Matatandaan na pumatok ang tambalan nila sa 2 Good 2 be True serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Dito nga isinilang ang ReTox tandem na hango sa mga karakter nila sa serye na Red at Tox.

AUTHOR PROFILE