
Cast ng ‘Incognito’ na-survive ang snow storm sa Japan
SINAKYAN at ginawang biro na lamang ni Ian Veneracion ang pagiging super late niya sa mid-season mediacon ng Kapamilya action series na “Incognito” sa Seda Hotel nu’ng Lunes ng gabi.
Na-delay daw kasi ang flight ng aktor mula Singapore kaya na-delay din nang na-delay ang pagsisimula ng mediacon.
Sa huling bahagi na lang umabot si Ian kaya birong dialogue niya sa “Kontraks” niyang sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Baron Geisler, Maris Racal at Anthony Jennings: “Team, good job, team! Ubos na mga kalaban? Very good! Alam n’yo naman, as contractor, pagka ubos na mga kalaban, trabaho kong sunduin kayo. Kaya marami pong salamat! Hahaha!”
Seriously, dugtong ni Ian, “I hope you’re all excited for this Japan parts and thank you!”
Gaya ng sinabi ni Ian, papasok na nga sa mid-season ng “Incognito” ang maaaksyong episode na kinunan ng grupo sa Yamagata, Japan.
Hindi biro kundi seryosong hirap at sakripisyo raw ang inabot ng grupo nina Chard sa taping sa Japan.
Kwento ng aktor, sobrang lamig (-6 degrees) sa Yamagata at halos araw-araw, sa loob ng dalawang linggo nilang pananatili roon, ay non-stop ang snowfall.
Dagdag na kwento ni Chard, sadyang pinili ng production ang Yamagata dahil ito ang may pinakamaraming snow sa parteng ‘yon ng Japan at ginusto nilang ma-capture ang terrain na balot ng niyebe.
Aniya, “Everyday was very challenging plus shooting the action sequences. You know, we just had to adapt, we had to survive, we had to, you know, do our jobs the best way we can. Pero ‘yun, mahirap talaga, mahirap talaga ‘yung weather conditions. ‘Yun nga, dahil sabi ni Anthony, ‘pag nabasa kasi ‘yung kamay mo, ‘yun na ‘yon, eh, like, you know, ang hirap na nu’n. So we had to wear waterproof gloves, waterproof socks, I mean, shoes, and everything. So it was hard. So talagang tapos ‘yung light, you know, ‘yung daylight kailangan namin, hinahabol namin, a lot of challenging conditions. But we were able to manage. I think we did a good job.”
“I think we got it and more,” patuloy na kwento pa ng kapatid ni Ruffa Gutierrez. “Na-experience namin legit na snow storm. And, you know, hats off to our crew kasi sobarng hirap ng pinagdaanan nila, managing all the equipment, camera… it was challenging for everyone, we were tested everyday. We did it as a group, as a unit so after this, I think you can take us anywhere.
Kahit saan n’yo na kami dalhin next.”
Nagkakaisa sina Chard, Daniel, atbp. na sobrang worth it ang lahat ng hirap na dinanas nila sa Japan at sana raw ay ma-enjoy din ito ng viewers.
Ang “Incognito” ay napapanood weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5. Available rin ito sa Netflix at iWantTFC.