Carmina

Carmina at Kyline, tahimik ang tarayan sa socmed

December 2, 2023 Jun Nardo 218 views

TAHIMIK na tarayan sa social media ang sagutan nina Carmina Villarroel at Kyline Alcantara na balitang hiwalay na sa BF niyang si Mavy Legaspi, anak ni Mina.

Nagsimula sa, “Mother knows best!” na post ni Mina na sinagot ni Kyline ng, “I knew it.” Hanggang sa napunta sa peace-peace ek-ek.

Naku, sana may magsabing, “Peace be with you!” at sagutin ng, “And also with you!”

Mangyari naman kaya?

Ang latest post ni Kyline, pagmo-motor at pag-aaral ng firing.

Pero si Mavy, quiet lang, pati ang kakambal niyang si Cassy.

Napabalita lang na bumili si Mavy ng sariling sasakyan, huh!

MARIAN, PINAGKAGULUHAN

MarianNAGKAGULO ang mga empleyado, partners at marketing people ng produktong Kleenfant na iniendorso ni Marian Rivera.

Si Marian ang special guest sa Christmas party na ginawa sa The Oasis sa QC na dinaluhan din ng executives.

Matapos matanong si Yan kung ano ang nagustuhan niya sa Kleenfant, ‘yung pagiging matibay raw ng wipes na hindi napupunit.

Pero hindi roon nagtapos ang presence ni Marian sa party. Talagang nag-stay siya at pinagbigyan ang halos lahat ng gustong magpakuha ng litrato sa kanya na buong ningning namang nagpaubaya at hindi nagbabago ang mga ngiti, huh!

ATE VI, GANADO MAG-PROMOTE

VilmaSASABAK naman sa mall tour si Vilma Santos-Recto kasama ang ilan sa cast ng festival movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo ngayong December 2 sa SM Pampanga, 4 p.m.

Sa totoo lang, maraming humahanga kay Ate Vi sa gana niyang pagpo-promote ng movie dahil hindi lang guesting sa TV ang iniikot kundi pinahahalagahan din ang kanyang fans na walang sawang sumusuporta mula noon hanggang ngayon.

Sa nakaraang fans’ day ni Ate Vi, ipinadama niya ang pagmamahal sa supporters niyang nagtipun-tipon lalo na’t ilang taon din niya itong hindi nagawa.

Sanib-puwersa ang kanyang fans gaya ng Vilma Santos Solid International na pinamumunuan ni Jojo Lim, Vilma Santos Forever Friends, Silent Vilmanians at iba pa. Pati press na naging loyal kay Vilma ay present.

Ang masayang pagtitipon sa Tramway ay napuno ng saya sa tulong ng sing and dance production numbers ng fans, games at raffle mula sa JG Productions, Inc., Aeternities, Angkas at Star corned beef.

Kaya naman abot hanggang tenga ang ngiti ng fans na dumalo dahil nakaniig na nila si Ate Vi, may bitbit pa silang giveways at premyo, huh!

AUTHOR PROFILE