
Carla, problemado sa malaking bayarin sa credit card
Namumroblema ngayon si Carla Abellana kung paano niya mababayaran ang napakalaking halaga na bill ng kanyang credit card.
Ibinahagi ng Kapuso actress sa Threads ang amount na aniya ay na-charge sa kanyang card.
“Lord, how will I pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard?” Carla wrote.
Kung iku-convert sa Philippine peso, nasa P622,259.73 ang halaga ng nasabing bill.
Hindi na idinetalye pa ng bida ng Stolen Life kung bakit umabot sa ganu’ng amount ang kanyang bill o kung na-charge ba ito without her knowing it o kung na-hack ba ang kanyang card.
But the fact na parang nagku-complain siya sa kanyang post, parang may something fishy na nangyari.
Bale ba ay sinundan pa niya ito ng dalawa pang post.
“Heartbreaking,” aniya.
“Losing hope,” isa pa niyang post.
Sa comment section ay marami ang nag-worry for Carla at tinatanong siya kung ano ang nangyari pero hindi na nag-reply pa ang aktres.
Kung sa kaya, sigurado kaming kayang bayaran ni Carla ang naturang amount.
‘Yun nga lang, sobrang nakakahinayang kung hindi naman siya ang gumamit ng card.