Triplea

CARLA, MAYO PA EXPIRED ANG GMA CONTRACT

September 30, 2023 Ian F. Fariñas 424 views

CHANGE ‘Yan ang ibinigay na dahilan ni Carla Abellana nang ipakilala siya bilang bagong alaga ng All Access to Artists (Triple A) management.

Ayon sa aktres, marami pa siyang gustong gawin at subukan na ramdam niya’y magagawa niya sa ilalim ng Triple A.

Paglilinaw ni Carla, maayos siyang nagpaalam sa dating manager na si Popoy Caritativo at hanggang ngayon ay inu-honor niya ang mga proyektong naisara nito para sa kanya.

Nilinaw din ni Carla ang tsikang lilipat siya sa TV5 o ABS-CBN. Tingin niya, umingay ang usaping ito dahil Mayo pa nag-expire ang kontrata niya sa GMA-7.

“So, medyo matagal na rin po. So four months, ‘no, more or less po. Na-expire na po ‘yung aking kontrata so baka doon po, doon nagsimula ‘yun,” aniya.

Wala pa umanong renewal na nagaganap at question mark pa rin ang estado nito ngayon.

Pero dugtong ni Carla under negotiations na ang lahat, “Definitely, pinag-uusapan na po ‘yan.”

AUTHOR PROFILE