Default Thumbnail

Caregiver natagpuang dedo sa Sta. Cruz

April 18, 2023 Jonjon Reyes 216 views

NATAGPUANG wala ng buhay ang isang 51-anyos na ginang sa pinto ng comfort room ng isang condominium sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng umaga.

Ang biktima ay may asawa, tubong Leyte, at nagtatrabaho umano bilang caregiver sa isang unit ng mismong condo kung saan siya natagpuang patay sa Ongpin Street, Sta. Cruz sa lungsod.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 8:25 ng umaga, nang madiskubreng ang katawan ng biktima sa may pinto ng banyo sa nasabing lugar.

Dahil dito, ipinagbigay-alam ng nakakasakop na barangay ang insidente sa tanggapan ni Turla matapos iulat ng tauhan ng building maintenance na sinabihan umano ng matandang binabantayan ng caregiver.

Rumesponde naman si Det. John Paul Rojo katuwang ang MPD Forensic Unit upang ikordon at mag-imbestiga sa condominium.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at Scene of the Crime of Operatives (SOCO) ng MPD sa insidente.

AUTHOR PROFILE