Roberta Larawan: Roberta Tamondong/IG

Captured moment

January 30, 2025 People's Tonight 142 views

PASABOG! Muling nagpaalog ng social media ang beauty queen na si Roberta Tamondong matapos niyang ibahagi ang kanyang latest pa-hot na larawan, na may caption na, “Romanticizing life more and capturing moments like this. Which one are you?

Suot ang fiery orange bikini, todo-bigay sa pag-flex ng kanyang reyna-level face card at kaseksihan ang dalaga, na animo’y diyosa ng araw na bumaba sa lupa para silawin ang madla!

Agad na binaha ng papuri at nagliliyab na reaksyon ang comment section. “FACE CARDDDD MAMI,” sigaw ng isang fan. May isa namang pabirong nagtanong, “Miss U ba ‘to o Miss Universe?

Kasi parang pang-international yung aura mo rito!” Samantala, may mga netizen ding tila natunaw sa init ng kanyang litrato: “Gwapaha!”

Mula sa pagiging isang beauty queen hanggang sa pagiging isang certified stunner online, patuloy niyang pinapatunayan na hindi lang korona ang kayang niyang dalhin, pati buong puso ng sambayanan!

AUTHOR PROFILE