
Candy Pangilinan ayaw pauwiin ng anak
NAINIS umano ang anak ng comedienne-actress na si Candy Pangilinan sa kanya kaya’t ang naging hirit nito ay bawal na siyang umuwi sa kanilang bahay.
Sa Instagram post ni Candy nitong Lunes, Nobyembre 20, ibinahagi niya ang screenshots kung saan makikitang binaha siya ng missed calls ng kanyang anak na si Quentin.
Kuwento ng comedienne-actress ay nasa Benguet siya at mahina ang signal kaya hindi niya masagot ang mga tawag ng anak.
“Ilang araw ako nag lock in sa Benguet na walang signal. Hirap Quentin tumawag sa akin,” sey ni Candy sa caption ng kanyang post.
“Kahit sagutin ko nag drop ang calls. Kaya naman heto ang ending sa inis ni Quentin,” dagdag pa niya.
“Bawal [umuwi] si [C]andy at si Anna,” saad ni Quentin sa conversation nila ng kanyang ina.
Pinukol din ng netizens ng mga biro sa Candy sa comment section ng kanyang post.
“Nagtampo na si Quentin.”
“Nakapasok na po ba kayo ng bahay? Hahaha.”
“Napalayas ka na po.”
“Yung gusto mo lang mag trabaho pero di ka na pinabalik. HAHAHHA.”