
Cancer patients nagpasalamat kay Ryza
Kahit matagal nang tapos gawin ni Ryza Cenon ang horror film na “Lilim,” hindi na siya nagpahaba pa ng buhok at pinanindigan na niya ang pagiging kalbo.
Matatandaang June of last year pa nagpakalbo ang aktres para sa kanyang role sa pelikula kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin humahaba ang kanyang buhok.
Ayon kay Ryza, sinadya na niyang i-maintain ang pagiging kalbo na in fairness ay bagay talaga sa kanya.
“Bucket list ko po siya, eh,” sey ni Ryza sa interview niya sa vlog ni Karen Davila. “Nu’ng nabuntis po ako, pinangarap ko talaga na sabi ko ‘pag nabuntis ako magpapakalbo ako kasi, ‘di ba, ‘pag buntis ka nagfa-falling hair ka so okay lang makalbo kasi ganu’n din, manipis ‘yung part ng buhok mo kasi nga nagfa-falling hair ka.”
Timing naman na nakatanggap siya ng offer para sa “Lilim” kung saan nga ay kalbo ang kanyang role bilang isang madre rito.
“Nu’ng nag-storycon kami and du’n ko po nalaman na lahat po kami kalbo, may isa pong cast na nag-look test po ng bald cap and nakita ko sa kanya, inoobserbahan ko po siya, kung nakakakilos ba siya nang maayos,” kwento niya.
“Nakikita ko po na nahihirapan siyang maglingon-lingon, sabi ko hindi yata ako magiging komportable sa ganu’n kasi malilimitahan po ‘yung acting ko, ‘yung galaw ko, lahat,” dagdag niya.
Dahil matagal na rin naman niya talagang gustong magpakalbo, nagdesisyon na siyang mag-shave ng kanyang hair.
“So, parang tinake advantage ko na po ‘yun na, okay, check na ‘yung bucket list ko plus nakuha ko ‘yung gusto ko para du’n sa role,” aniya.
‘Yun nga lang, may mga taong inakalang may cancer siya because of her shaved head.
“Actually, nasabi nga nila parang may sakit daw po ako dahil nga nagpakalbo. Pinakita ko po na hindi ibig sabihin kalbo ka, may sakit ka.
“Natuwa rin po ako kasi ‘yong mga cancer patient po nagme-message sa akin. Nagte-thank sila na parang ‘thank you, na-inspire kami sa ‘yo. Kahit kalbo ka hindi mo ikinahiya,’” aniya.
Sey pa ng aktres, gusto na niya ang kalbo dahil low maintenance ito.
Pero aniya, ang pinaka-importante pa rin ay self-acceptance kahit ano pa ang hitsura mo.
“Kailangan i-embrace mo kung ano ‘yung meron ka na hindi lang naman panlabas ‘yung kagandahan kundi panloob din. Kung ano ‘yung personality mo, mas malaking points po ‘yun kesa sa panlabas,” wika ni Ryza.
TUMITINDING REBELASYON
Sa patindi nang patinding rebelasyon tungkol sa baho ng mga Hermoso, nagiging intense rin ang pagka-hook ng Kapuso viewers sa number 1 kilig mini-serye ng primetime, ang “My Ilonggo Girl”topbilled by Jillian Ward.
Matapos isiwalat ni James (Yasser Marta) ang pagkakasal niya kay Venice (Myrtle Sarrosa), nagawa nang palayasin ni Francis (Michael Sager) ang dati niyang kabiyak.
At sa pagkakagising ni Margaret (Andrea del Rosario) mula sa pagkakalason, marami pang lihim ang maibubunyag.
Maraming viewers ang nagsabing deserve ni Venice ang pagpapalayas sa kanya ni Francis dahil sa mga kasinungalingan at kasamaang ipinamalas niya.
Siyempre, abangers din ang lahat sa kahihinatnan ng lumalalim na feelings ni Francis para kay Tata (Jillian).
Abangan ang iba pang exciting revelations sa “My Ilonggo Girl,” Lunes hanggang Huwebes, sa mas pinaagang timeslot – 9:25 p.m. sa GMA 7 at 11:25 p.m. sa GTV.