
Camille nagsawa na sa pagiging TV host
FORMER child star-turned actress and TV host Camille Prats is returning as an actress in GMA’s new afternoon primetime family-oriented TV series, “AraBella” beginning March 6 (Lunes), 3:20 p.m.
The 37-year-old actress and entrepreneur admitted that she’s excited sa pagbabalik sa acting after five years dahil mas nag-focus siya sa pagiging TV host sa pamamagitan ng “Mars” at “Mars Pa More” (also on GMA) na tumagal sa ere sa loob ng sampung taon.
Si Camille ay produkto rin ng popular segment ng longest-running noontime show on Philippine television (and in the world), ang “Eat Bulaga,” ang “Little Miss Philippines. Ito ang kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz at a young age sa pamamagitan ng youth-oriented TV program ng ABS-CBN, ang “Ang TV” at “G-Mik” at pagiging bahagi ng hit weekly sitcom noon ni Aga Muhlach sa Kapamilya network, ang “Oki Doki Doc”.
In 1995, si Camille ang naging lead star ng Philippine adaptation ng anime series na “Princess Sarah,” ang “Sarah…Ang Munting Prinsesa”. Naging isa rin siya sa lead stars ng TV series na “Marinella” kung saan niya naging co-stars sina Shaina Magdayao at Serena Dalrymple (na may asawa na rin ngayon at naka-base sa Amerika).
Si Camille ay gumawa ng sarili niyang pangalan apart from her elder brother, ang actor, dancer-turned director and entrepreneur na si John Prats.
Camille is also a bona fide educator. She’s the directress of her family-owned school in Cainta, Rizal, ang Divine Angels Montessori while her husband John Yambao runs their own restaurant in Ayala Malls – Feliz (among other businesses).
Alfred may adhikain sa paggawa ng quality movies
ACTOR-producer and politician Alfred Vargas is excited over his two current projects that keep him busy bukod pa siyempre sa kanyang pagiging konsehal ng ika-limang distrito ng Quezon City na kanyang binalikan matapos siyang manungkulan bilang isang kongresista sa loob ng tatlong termino o siyam na taon), ito ay ang kanyang bagong afternoon TV soap on GMA, ang “AraBella” na magsisimulang mapanood ngayong March 6 ng hapon at ang kanyang upcoming movie, which he co-stars with superstar Nora Aunor, ang “Pieta” kung saan din tampok sina Ina Raymundo at mga iconic actors na sina Bembol Roco, Jaclyn Jose at Gina Alajar na pamamahalaan ng internationally-acclaimed writer-director at Gawad Urian Best Director na si Adolf Alix na siya ring director ng family-oriented series ng GMA, ang “AraBella”.
Nabuo ang proyektong “Pieta” habang nagkukuwentuhan sina Direk Adolf at Alfred sa taping ng “AraBella”. Pitong script ang binasa ng actor-producer at politician pero sa “Pieta” material umano siya na-in love. At kasunod narito ang casting the pelikula.
Ayon kay Alfred, mas lalo umano siya na-excite nang lumutang ang pangalan ng superstar na si Nora Aunor to portray his mother in the movie at kasunod na rito ang mga pangalan nina Bembol, Gina, Jaclyn at Ina.
Nang i-suggest ni Direk Adolf ang pangalan ni Guy (Nora) ay agad umano niyang `niligawan’ ang superstar at hindi naman siya nagdalawang salita dahil agad itong sumang-ayon na gawin ang pelikula despite her current health condition.
Alfred is also producing the movie under his own Alternative Vision Cinema in cooperation with Noble Wolf. Ito na bale ang kanyang panlimang movie with him as lead star and producer. Kasama na rito ang award-winning movie na “Tagpuan” mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee at dinirek ni Mac Alejandre. Ang nasabing pelikula ay nakakuha ng dalawang awards sa 2020 Metro Manila Film Festival at nanalong Best Feature Film sa 2021 Chauri Chaura International Film Festival in India. The moviealso features Iza Calzado and Shaina Magdayao.
“Ang dahilan kung bakit patuloy ang pagpu-produce ko ng quality films is because of my love for the craft,” pahayag ng actor-producer and QC councilor Alfred at the cast reveal ng pelikulang “Pieta” na ginanap sa Windmills and Rainforest in Quezon City last Sunday afternoon.
“Super excited na ako nasimulan ang pelikula,” aniya.
Since tapos na ang taping ng kanyangbagong teleserye sa GMA, ang “AraBella,” makakapag-focus na siya ngayon sa filming ng “Pieta” which excites him no end.
Samantala, klinaro nina Alfred at Direk Adolf na ang bagong “Pieta” movie ay iba sa mga nauna nang movie of the same title na magkahiwalay na pinagbidahan ng yumaong actor na si Ace Vergel at ni Sen. Bong Revilla.
‘Martyr or Murderer’ mapapanood na sa 300 theaters
MATUTUNGHAYAN na sa 300 theaters nationwide (and soon, worldwide) ang controversial movie na “Martyr or Murderer” mula sa panulat at direksyon ng equally controversial writer-director na si Darryl Yap at hango sa kuwento ni Sen. Imee Marcos na may kinalaman sa pamilya Marcos nung nabubuhay pa ang kanyang ama, ang yumaong dating President Ferdinand Marcos bago at pagkatapos ng EDSA People Power Revolution. Ang nasabing pelikula ay magsisilbing sequel sa worldwide hit movie na “Maid In Malacanang” na sinulat at dinirek din ni Direk Darryl under Viva Films which was shown last year.
Tampok sa “Martyr or Murderer” sina CesarMontano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno, Kyle Velino, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Elizabeth Oropera, Berverly Salviejo, Sachzna Laparan at Billy Jake.
Ang “Maid in Malacanang” at “Martyr or Murderer” ay nagsilbng comeback movie projects nina Cesar at Ruf a na matagal-tagal ding nagpahinga sa paggawa ng pelikula.
Nagpapasalamat si Cesar sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Viva gayundin si Ruffa na nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency sa tulong ng kanyang ina, ang talent manager na si Annabelle Rama.
Magsisilbi ring showbiz comeback ng actor at dating Manila Mayor Isko Moreno ang “Martyr or Murderer” matapos itong matalo sa pagka-pangulo sa huling halalan.
SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.