
Calax, Cavitex, C5 Link bukas 24/7
BUKAS pa rin 24/7 ang Cavite-Laguna Expressway (Calax), Manila-Cavite Expressway (Cavitex) at C5 Link sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at Laguna at modified ECQ (MECQ) sa Cavite para sa mga essential travelers.
Ito ang inihayag ni Mhanny Agusto, Corporate Communication Specialist ng MPT Management South Corp., bilang paalala sa mga motorista na dumaraan sa mga nasabing freeways.
Sa text message, sinabi ni Agusto ang kanilang advisory ay bilang pagtugon sa inilabas na mga guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) at sakop na local government units.
Nagpaalala din si Agusto na asahan ang pagbagal ng trapiko sa Philippine National Police checkpoints na nakahimpil sa mga sumusunod (as of 12 a.m. August 6): Manila bound – MIA Exit, Cavite bound – Longos Exit, at Cavite bound – Kawit Exit.
Upang makaiwas sa abala, hinikayat ni Agusto ang mga bumibiyahe na sumunod sa IATF guidelines para na rin sa kanilang kaligtasan.
“Basta in accordance with the rules and restrictions set by the IATF, lahat naman pinapapasok, yun lang, sa checkpoints lang talaga nagkakaroon ng checking, usually stationed in our exits,” saad ni Agusto.
Base sa ECQ/MECQ guidelines, “Essential Travels” lang ang pwede. Ang mga for leisure/tourism travel ay wala muna at ang mga authorized persons outside residence lang ang dapat lumalabas.
Hinikayat din ni Agusto ang mga motorista na bisitahin ang kanilang Facebook account para sa pinaka latest na advisory.