Default Thumbnail

Bus vs jeep: 12 sugatan

October 26, 2023 Melnie Ragasa-limena 186 views

SUGATAN ang 11 pasahero nang masalpok ang sinasakyan nilang jeep ng bus sa Brgy. Malaya, Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector-3, bandang alas-9:40 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kanto ng Kamias Road at Kasing Kasing St., sa Brgy. Malaya, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Jomar Apongao ng Traffic Sector 3, tumatakbo ang Yutong Bus (NBB 2105) na minamaneho ni Luis Quintero Manondo, 52, ang nang bigla na lamang nitong masalpok ang pampasaherong jeep (TVP 985) na minamaneho ni Israel Ganiban Manila, 41.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagsitalsikan ang 11 pasahero ng jeep at isinugod sa malapit na ospital ng nag-respondeng mga ambulansiya ng lungsod.

Bukod sa jeepney driver, sugatan din ang kaniyang mga pasahero na sina Mishel Rovira Samuraga, 22; John Rodolf Estere Lamis, 20; Allan Zafra Palma, 48; Julie Ann Morales Ondrada, 31; Francis Velez Avendano, 44; Christine Cris Verano Lopez, 28; Jhanna Salustiano Rogales, 18; John Michael Lasan Almaza, 20; Vicente Del Rosario Marquez, 33; Jeraldine Bernalte, 24, at Marvin Ganlao Timao, 25.

Nasa kostudya na ng mga pulis ang bus driver habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property with Multiple Physical Injuries.