
BUNTIS, 2 PA PATAY SA KIDLAT
TATLO katao kabilang ang isang buntis ang nasawi habang siyam na iba pa ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat habang nagre-repack ng uling sa Banate, Iloilo.
Nakilala ang nasawi na sina Mila Soberano, 38 Rosalie Soberano, 48 at Britney Labos na tatlong buwang buntis.
Isinugod sa pagamutan ang iba pang nasugatan na sina Felomino Sadiang-ibon, 77; Janelyn Igona, 38; Carlo Soberano, 11; Jumar Soberano, 42; IJ Soberano, 29-anyos; Sharime Soberano, 20; Ivan Soberano, 44, at dalawa pang biktima.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap sa Sitio Giragid, Barangay Libertad , Iloilo.
Napag-alaman na nagre-repack ng uling ang mga biktima nang biglang bumuhos ang ulan na may kasamang kidlat at kulog.
Tinamaan umano ng kidlat ang mga biktima nang tumakbo ang mga ito palapit sa isang kubo para sumilong.
Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na nailigtas pa ang buhay ng tatlo.