Cito CITO SA ED TALKS–Nakipag-talastasan si Cito Beltran (nakatalikod sa kaliwa) sa mga journalists mula Central Luzon sa ED TALKS-Nueva Ecija edition na itinaguyod ng San Miguel Corp. katulong ang SM City-Cabanatuan sa Cinema 4 noong Biyernes.

Bumuo ng trust fund para sa mga kasamahan, payo ng newsman sa kapwa newsman

June 8, 2024 Steve A. Gosuico 236 views

CABANATUAN CITY–Isang broadcaster ang nanawagan sa mga media group sa Central Luzon na magsama-sama para bumuo ng trust fund para sa mga kapwa mamamahayag na magkakasakit.

Ayon kay Cito Beltran, maaaring makakuha ang mga media group ng mga donasyon mula sa mga negosyante at pulitiko para makalikom ng pondo sa trust fund.

“Huwag na natin hintayin na nagmamakaawa tayo, maglilimos tayo.

Habang may tapang pang natitira sa katawan nyo, habang may talino, gamitin ninyo,” sabi ni Beltran sa “Ed Talks: Becoming New Media” forum na dinaluhan ng halos 100 radio at print reporters, broadcasters, correspondents, columnists at bloggers mula sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac at Aurora.

Ginanap sa cinema 4 ng SM City-Cabanatuan mall mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon p.m. ang event na inorganisa ng San Miguel Corp.

Itinaguyod ni Nate Barretto, editor sa BusinessWorld, ang event kasama sina Tek Ramos Major at Kali Quinones mula sa Newswatch Plus, Mer Layson ng Pilipino Star Ngayon at Atty. Danilo Balucos, miyembro ng National Union of People’s Lawyers ng Mindanao Times ang event.

Sinabi ni Barreto na maituturing na “milestone” ang event dahil pinagsama-sama sa unang pagkakataon sa isang lugar ang humigit-kumulang 100 mamamahayag mula sa apat na probinsya para sa pagpapatuloy ng Ed Talks training program na sinimulan ng SMC noong 2019.

“Iyung mga ganyan business nakakakuha kayo ng donations sa mga lalaki, sa mga politicians kasi itaga ninyo ito sa bato di man sana magkatotoo dahil sa isa na binigay sa akin ni Lord na tuwing ako ay mangungusap sa inyo, baka nagpapa-una na si Lord, baka mamaya mo, may kasama tayo dyan, tumumba na lang at walang pagdudukutan ng pera,” ani Beltran.

May kolum sa Philippine Star na may pamagat na “CTalk” si Cito.

Hinimok din ng 68-anyos na anak ng yumaong si “Ka Louie” Beltran ang mga mediamen, lalo na sa mga probinsya, na mag-evolve at makipag-ugnayan sa mga tao upang maging positibong puwersa sa komunidad.

“Be a blessing, evolve not just as a journalist, not just as a broadcaster, not just as a business owner but be a positive force in the community to ensure that business thrives,” saad pa ni Cito.

AUTHOR PROFILE