Melai

Bukol ni Melai sa boobs, gumaling sa dasal

June 28, 2023 Vinia Vivar 362 views

Inamin ni Melai Cantiveros na nagkaroon siya ng health scare dahil sa na-detect na bukol sa kanyang dibdib.

“Parang nagkaroon ako ng bukol sa may boobs kasi. Ngayon ko lang ito sasabihin, hindi rin ito alam ng family ko,” pagtatapat ni Melai sa Magandang Buhay.

“Noong nagbakasyon ako ng Cebu, ginoal ko talaga na mapuntahan ang mga simbahan doon at sa Bohol. Doon ako nag-pray,” dagdag niya.

Tila dininig naman ni Lord ang prayers niya dahil nawala nga ang bukol.

“Nawala talaga na hindi pa ako nagpa-check-up. Iba ‘yung bukol kasi matigas, eh. Ito talaga, sabi ko ‘my God Lord.’ Ipinag-pray ko talaga.

“Dapat magpapa-check-up na ako after ng cycle na ito (ng taping). Bago ako magpa-check-up, sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala. Hindi na ako mag-iisip.’ Kasi pumapasok na kung ano anong negative sa isip ko,” kwento pa niya.

Nang mawala ang bukol ay parang nakahinga na raw siya nang maluwag kaya labis ang pasasalamat niya kay Lord.

“In Jesus’ name, nawala. Grabe talaga si Lord,” sambit niya, “Kaya sinabi ko, simula ngayon, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-anong negative kasi alam ko si Lord nandiyan,” dagdag pa ni Melai.

AUTHOR PROFILE