
Bugoy at EJ, engaged na!
Engaged na ang dating child actor na si Bugoy Cariño sa long-time partner niyang volleyball star na si EJ Laure.
Naganap ang surprise proposal ni Bugoy kay EJ sa celebration ng 21st birthday ng former child actor last Sunday, Sept. 3.
Ibinahagi ito ng celebrity couple sa kani-kanilang Instagram page.
Sa isang video ay mapapanood ang mismong proposal ni Bugoy at ang pagluhod niya sa harap ni EJ.
“Gusto ko lang sabihin at ipagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napaka-importante niyo sa akin, na itong babaeng ‘to, papakasalan ko.
“Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta n’yo,” sabi ni Bugoy.
Pagkatapos ay bigla na lang lumuhod ang aktor and he asked, “Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?”
Nag-yes naman agad si EJ at nagpalakpakan ang lahat ng guests kabilang na ang pamilya at mga kaibigan na dumalo sa pagdiriwang.
Matagal-tagal na ring nagsasama sina Bugoy at EJ. Katunayan, mayroon na silang five-year-old daughter na si Scarlet.