Smile

Bright Smile, Bright Future Program isinagawa sa Mataaa na Kahoy

February 5, 2024 Jojo C. Magsombol 342 views

MULING nagpatuloy ang pagkakaloob ng libreng dental checkup ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga Day Care pupils ng iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Ang administrasyon ni Batangas Gov. DoDo Mandnas ay naghatid ng naturang serbisyo sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) sa municipal gymnasium ng Mataas na Kahoy, ng nasabing probinsya.

Ayon kay PHO Oral Health Program Manager, Dr. Dionisio Burog, 113 na mga mag-aaral mula sa tatlong barangay ng nasabing bayan ang sumailalim sa dental check-up at lectures, bukod pa sa napagkalooban ng libreng dental kits sa ilalim ng “Bright Smile, Bright Future Program.”

Sumailalim rin ang pupils visual and hearing acuity testing bilang pagsusuri sa pandinig at paningin ng mga mag-aaral.

Nakasama rin sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO) at ilang opisyales ng Pamahalaang Bayan ng Mataas na Kahoy sa pangunguna ni Mayor Janet M. Ilagan.

AUTHOR PROFILE