Kris4

‘Brave heart’ hiling ni Kris sa Mother’s Day

May 13, 2024 Vinia Vivar 203 views

Nananatiling lumalaban si Kris Aquino sa kanyang karamdaman at patuloy na nagpapakatatag alang-alang sa dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Sa Instagram nitong Mother’s Day ay nag-post si Kris ng larawan ng buong pamilya ni dating Vice President Jejomar Binay kasama ang panganay niyang anak na si Joshua.

Nagpasalamat si Kris sa Binay family na ginawa nang adopted member ng clan si Joshua.

“To my most trusted friend, @annebinay who celebrated her birthday Mother’s Day together with her Ate Sen. @nancybinay — thank you for being so welcoming to kuya josh & making him an adopted member of your clan,” sey ni Kris.

Kasunod nito ay ibinalita niya ang naging kaganapan this past weekend na aniya ay sumubok ng kanyang katapangan.

Ibinahagi niya na nagkaroon siya ng consultation sa kanyang doktor sa University of California Los Angeles Hospital.

“Hello to Lolo VP and to Lola Doc. It’s been a ‘test of courage’ type of weekend — i had a consultation w/ a 4th doctor in UCLA, this time a cardiologist,” she wrote.

Aniya, bilang isang ina ay hindi siya dapat maduwag at humingi ng dasal para magkaroon siya ng ‘brave heart.’

Nangako rin siya na magbibigay ng detalye kapag ready na siya.

“It’s the start of Mothers’ Day here and moms have never been cowards. In this instance, please help me pray for good health for all moms and a very ‘Brave Heart’ for yours truly (Details when i’m ready & when my complete test results are in.),” she said.

Pinasalamatan din niya ang best friend niyang si Anne Binay for keeping all her secrets at sa pagmamahal sa kanilang mag-iina.

“Anne, the best friend anyone could wish for — THANK YOU for the unwavering love for Kuya, Bimb & me AND for keeping all my secrets close to your chest,” mensahe ni Kris sa kanyang trusted friend.

JULIEVER NAGPAKILIG NG FANS

Pinakilig ng JulieVer ang kanilang fans dahil sa nakaka-touch na birtnday message ni Rayver Cruz sa girlfriend na si Julie Anne San Jose.

May 17 pa ang kaarawan ng Asia’s Limitless Star pero kahapon, May 12, nagkaroon na siya ng birthday prod sa All-Out Sundays.

Nahingan ng birthday wish si Rayver para sa GF at ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ng aktor sa aktres sa kanyang mga sinabi

“Wish ko lang for you is good health. Alagaan mo ‘yung health mo. Ako ‘yung nahihirapan ‘pag nagkakasakit ka,” sey ng aktor.

Ayon pa kay Rayver, isang malaking blessing sa kanya si Julie Anne at napakaswerte niya na nagustuhan siya ng GF.

“Sobrang blessed naming lahat to witness an artist like you. For me, ikaw ang pinakamagaling. Ikaw lang ang makakagawa niyan and sobrang suwerte ko na nagustuhan mo,” aniya.

“Excited na ako na marami pa tayong magawa. Nandito lang ako para mahalin ka habangbuhay. Happy birthday, my love. I love you,” mensahe pa ng aktor.

Sinagot naman ito ni Julie Anne.

Mensahe niya sa BF, “To my love, Ray, I love you so much. You always make me happy everyday and always, so I love you. I am proud of you too.”

AUTHOR PROFILE