
Boy sa pagsabak sa pulitika: I’m not closing my doors
Noon pang nakaraang eleksyon ay marami na ang nagtatanong sa King of Talk na si Boy Abunda kung papasukin din niya ang pulitika tulad ng kanyang pamilya.
Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon ay nagkakaroon na naman ng ispekulasyon na tatakbo si Kuya Boy sa pagka-senador kaya naman nagbigay na siya ng sagot sa kanyang latest interview sa ABS-CBN.
“No, I’m not gonna run,” deklara ni Kuya Boy, “it’s too late to make a decision to run for the Senate.”
Inamin naman niya na may mga nag-aalok sa kanya para tumakbo pero tinanggihan niya ito.
“It’s a major decision. I’m not ready to run for the Senate. I have been invited to run for the Senate. I don’t have the tenacity, I don’t have the strength to run a national campaign. I don’t have the money. I don’t have the national organization, the political organization.
“It takes a national political organization to run a national campaign. Kailangan mo ng logistics, I don’t have that. And most important of all, wala akong apoy sa bituka. I don’t have fire in my belly for the Senate,” saad pa ni Kuya Boy.
Pero sinabi rin niya na hindi siya nagsasalita nang tapos at bukas ang kanyang pintuan sa pulitika.
Kwento nga niya, nang magsara ang ABS-CBN last year ay sinabihan siya ng kapatid na si Fe Abunda na tumakbo na lang sa Congress.
“Ang kapatid ko (Fe Abunda) who is presently the congresswoman of the lone district of Eastern Samar, she’s a member of Congress, sabi niya sa akin, ‘trabaho lang naman ‘yan, eh, ‘di tumakbo ka sa atin, mag-congressman ka.’
“It was half-meant, it was facetiously said, but I knew when she said that, it also came from the heart. ‘Why not go to public service?’ Ang aming nanay at tatay ay nasa public service. Ang kapatid ko ay three-term mayor, nag-vice mayor, ngayon, congresswoman.
“I thought about. ‘Oo nga, ‘no? I can actually run.’ I’m not closing my doors on politics,” pahayag niya.
“But am I gonna run in 2022? I don’t know, I really don’t know. I don’t think so,” he said.
Pero if ever, hindi raw siya sa Senado tatakbo or any national position.
Kung sakali naman daw na ia-appoint siya for any position, pwede rin daw niyang i-consider and kung makakatulong naman siya ay may posibillidad daw na tanggapin niya.
“Ayoko lang magsara ng pintuan,” sey niya.