Regine Larawan mula sa IG/Regine Tolentino

Boobsie at 43

May 13, 2024 People's Tonight 83 views

NETIZENS na ang nagsabi na para sa kanila ay “masarap pa rin” ang TV presenter-dancer na si Regine Tolentino kahit na nasa kwarenta na ang edad nito.

Sa kanyang Instagram post, bumulaga sa netizens ang isang larawang ibinahagi ni Regine kung saan ibinandera niya ang kanyang pagiging hot mama.

Fierce kung fierce ang TV presenter-dancer sa nasabing post habang nasa isang resort sa Batangas.

Suot ni Regine ang isang two-piece swimsuit habang may tabing na tela ang kanyang pang-ibab na lalong nagpa-angat sa kanyang kaseksihan.

“In my element,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Ibang klase ang taglay na gayuma ng sex appeal ni Regine dahil kahit alam nang may asawa siya, ang mga kelot ay hindi pa rin magkandamayaw na gawin siyang pantasya.

Ang tulad niyang bebot ay talaga namang pampagana sa painit na painit na panahon ng bansa.

Samantala, inalon naman sa kanyang comment section ang mga puso at init ng netizens mula sa ibinida niyang kahali-halinang katawan.

Narito ang ilang komentong makikita sa post: “Napaka gorgeous talaga walang kupas”, “So hot!!!!”, “Aba grabe yan”, “Masarap pa rin”, at “Super hot mo.”

AUTHOR PROFILE