wes gatchalian

Bodega nagtaas ng foreign flag, wala pang permit, kinandado

June 7, 2024 Edd Reyes 117 views

INIUTOS ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagpapasara sa bodega ng STR Power Equipment Corp. na una ng nahuli dahil sa pagtataas ng bandila ng ibang bansa dahil sa kawalan ng business at Mayor’s permit.

Na-padlock ang bodega makaraang matuklasan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na walang kaukulang Mayor at Business permit ang STR Power Equipment Corp., isa sa tatlong kompanyang umuupa sa bodega sa compound sa Brgy. Bignay.

Nag-inspeksiyon ang BPLO sa bodega matapos magtaas nito ng bandila ng ibang bansa na paglabag sa Section 34 (h) ng RA No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Kinukumpirma pa ng BPLO kung alin sa tatlong kompanya sa naturang bodega ang responsable sa paglalagay ng bandila ng ibang bansa.

Nauna ng ikinatuwiran ng isang empleyado doon na ginagamit lamang nilang pantanda ang bandila sa mga alagang kalapati.

Pero nabuking ng BPLO na may mga dayuhang empleyado ang dalawa pang kompanya sa loob ng bodega at bine-verify pa kung mayroon silang kaukulang working visas.

AUTHOR PROFILE