Rubio

BOC pinalakas alyansa sa Philippine Postal Corporation

October 20, 2023 People's Tonight 137 views

PINALAKAS ng Bureau of Customs (BOC) ang alyansa nito sa Philippine Postal Corporation (PHLPOST) sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA).

Layunin ng MOA na pagandahin ang trade facilitation program para sa mga postal items na dumaraan sa BOC sa pamamagitan ng pagpapalakasin, pagpapabilisin, at pagtiyak na ligtas ang proseso ng custom clearance.

Sina BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio at PHLPOST Postmaster General Luis Carlos, kasama si Assistant Secretary Mary Jean T. Pacheco ng Digital Philippines at E-Commerce Lead ng Department of Trade and Industry at ilan pang opisyal ng BOC at PHLPost ang dumalo sa simpleng seremonya sa paglagda ng MOA noong Oktobre 18 sa Paranaque City.

Nasabat ito sa anibersaryo ng Port of NAIA. Ang MOA ay patunay umano sa pangako ng BOC at PHLPost na pagandahin pa ang serbisyong naibibigay nito sa mga importer at iba pang stakeholder.

Inilalatag sa MOA ang mga hakbang na gagawin ng PHLPost at BOC sa pagtanggap, pagsuri, pagtukoy sa babayarang buwis at iba pang import charges sa mga dumarating na parcel. Sa kanyang mensahe, iginiit ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng ugnayan ng dalawang bansa lalo at lumalakas na ang e-commerce at digital services sa bansa.

“Rest assured the BOC will remain your partner in ensuring obligations under this Agreement are met and efficiently performed through our mutual and continued support,” ani Commissioner Rubio.

AUTHOR PROFILE