
BOC-NAIA nakasabit ng P1.6M halaga ng ecstasy
NAHARANG ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang inbound express cargo na naglalaman ng ecstasy na nagkakahalaga ng P1.69 milyon.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Obillos-Mapa ang kontrabando ay idineklarang vitamins, supplements, baby wash at body wash.
Dumating ito sa DHL Express Gateway Warehouse in NAIA noong Nobyembre 9. Napansin umaon ng mga tauhan ng BOC ang kahina-hinalang lamang ng package ng dumaan ito sa x-ray kaya isinailalim ito sa physical examination.
Nakita sa loob ng 995 piraso ng ecstasy tablets na kulay dark gray. Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang shipper at consignee para sa posibleng pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Act.
Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Rubio ang masusing pagbabantay na ginagawa ng BOC-NAIA.
“The Bureau of Customs under my watch will remain relentless in our border protection efforts, which include our crusade against all nefarious attempt to smuggle dangerous drugs and all anti-social goods and contraband. This successful interception is a testament of the unwavering border protection efforts of our personnel in coordination with our partner enforcement agencies to prevent the spread of illegal narcotics into the country,” sabi pa ni Rubio.