Vic Reyes

BOC malaking tulong sa kampanya laban sa money laundering

June 30, 2024 Vic Reyes 62 views

MALAKI talaga ang naitutulong ng Bureau of Customs (BOC) sa kampanya ng gobyerno laban sa money laundering.

Hindi kaila sa publiko na malaki ang epekto sa bansa kung makapapasok sa bansa ang “undeclared foreign currencies.”

Puwede pa itong (foreign currencies) magamit sa “terrorist activities.”

Noon ngang nakaraang Hunyo 27 ay naka-intercept ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng undeclared Japanese Yen.

Ang 17 million na Japanese Yen (P17.2 million) ay nakita sa check-in baggage ng isang Koreanong arriving passenger sa NAIA Terminal 3, Pasay City.

Nabisto ang pera sa pamamagitan ng X-ray inspection.

Nang buksan nga ang luggage ay nakita ang ilang bundles ng Japanese Yen.

Ang pasahero ay kakasuhan ng paglabag sa Bangko Sentral Pilipinas (BPS) circular on cross border transfer of currencies at Republic Act (RA) No. 10863.

Ang mga ganitong paglabag sa ating mga batas”undermine the integrity of the country’s financial system.”

Not only that, these illegal activities “put the Philippines at risk of becoming a potential hub for financial crimes.”

Ang pagsawata sa mga ganitong gawain ay ginagawa ng BOC sa pakikipagtulungan sa Anti-Money Laundering Council, BSP at iba pang law enforcement agencies.

Sinabi Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na determinado ang ahensya sa paglaban sa lahat ng illegal activities.

“We are actively strengthening our efforts to combat money laundering and terrorist financing,” according to Rubio.

Tama ang BOC. Hindi dapat makapasok sa bansa ang mga perang gagamitin laban sa ating bansa at taumbayan.

Delikado ‘yan!

****

Isa na namang claimant ng isang shipment na naglalaman ng illegal drugs ang naaresto ng mga otoridad sa Mabalacat City, Pampanga.

Ang suspek ay inaresto ng mga elemento ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark, PDEA, CAIDTF, XIP, ESS at CIIS.

Siya ay consignee ng isang shipment na naglalaman ng 5,888 grams of marijuana oil na nagkakahalaga ng P392,533.

Ang marijuana oil ay nakita sa isang shipment na deklaradong naglalaman ng mga kandila.

Ito ay dumating sa Port of Clark noong Hunyo 16. Idinaan ito sa “rigorous x-ray scanning” dahil may natanggap na derogatory information laban dito.

Dahil nakitaan ito ng unusual images ay idinaan rin ito sa K-9 sniffing.

At nang buksan nga ang shipment ay nakita ang 12 plastic containers of 5,888 grams of yellowish sticky subtances.”

Lumabas sa chemical laboratory analysis ng PDEA na marijuana nga ang laman ng 12 plastic containers.

Nagkasa kaagad ng joint operation sa Mabalacat City ang BOC-Port of Clark at PDEA na nag-resulta sa pagkakaaresto ng claimant ng shipment.

Sinabi ni District Collector Erastus Sandino Austria na suportado nila ang panawagan nina Pangulong Marcos, Finance Secretary Ralph Recto at Commissioner Bienvenido Y. Rubio na patigilin ang illegal drugs trade.

***

Dalawang buwan pa bago magsimula ang “ber months” ay apat na ang namatay sa pagsabog ng bodega ng paputok sa Barangay Tatuan, Zamboanga City.

Meron pang 14 ang nasugatan sa pagsabog na nangyari noong Sabado ng hapon.

Sa Pilipinas, nagsisimula ang Christmas Season pagpasok ng September, ang una sa apat na “ber months” ng taon.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pangalan ng mga namatay at nasugatan sa nangyaring pagsabog.

Sana ay lalo pang paigtingin ng mga otoridad ang pag-inspect sa mga pagawaan at bodega ng mga paputok sa bansa.

Talagang abala na ang mga firecracker and pyrotechnic manufacturers sa paggawa ng mga paputok at pailaw.

Sa mga Pilipino, hindi kumpleto ang Pasko at Bagong Taon kung walang paputok at pailaw.

Talaga!

(Para inyong komemto at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE