
Bitoy may tribute kay Ate Guy
Ang ganda ng tribute ni Michael V. sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Iginuhit niya ang mukha ni Ate Guy and in fairness, mahusay pala siyang mag-drawing, huh!
Kuhang-kuha niya ang hitsura ng Superstar.
Bukod dito, sa caption ay inisa-isa niya kung bakit na-achieve ni Ate Guy ang iconic title na “Superstar.”
“Sometime in the 90s, narinig ko from the legendary Rico J. Puno kung pa’no maging ‘superstar’ sa Philippine entertainment industry and he said there are 5 requirements: 1. Dapat number one sa ratings ang TV show mo. 2. Dapat blockbuster sa takilya ang movie mo. 3. Dapat nasa playlist ng radio stations ang mga kanta mo. 4. Dapat sold out ang concerts mo. 5. Dapat maganda ang reviews ng theater/stage plays mo. Ang hirap, ‘di ba?” ani Bitoy.
At si Nora lang daw ang naka-meet sa lahat ng requirements na ito.
“Iisa lang ang kilala ko sa showbiz na na-achieve LAHAT ito SIMULTANEOUSLY at one point in her career… Si Nora Aunor lang,” aniya.
“May iba pa ba kayong kilala in this generation sa industriya natin na kayang pumantay sa achievement n’ya? I seriously doubt it,” patuloy pa ni Michael V.
“Rest in peace, Superstar,” pagtatapos ni Bitoy.