Bistek

Bistek, masaya para kina Kris at VG Mark ‘Kung mayor lang ako, ikakasal ko kayo’

May 19, 2023 Ian F. Fariñas 275 views

KrisGOOD sport si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista nang hingan ng press ng reaksyon tungkol sa pag-amin ng dating GF na si Kris Aquino sa long distance relationship (LDR) nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Na-corner ng writers si Bistek sa burol ng ina ng People’s Journal columnist na si Aster Amoyo nito lamang Huwebes.

Panimula ng actor-politiko, “She needs somebody to hold her hand, ‘di ba? Be with her, to take care of her. So I’m happy for them and siyempre, that’s good. So good luck and best wishes and kung mayor lang ako, ikakasal ko kayo, eh” biro pa niya sabay tawa.

Seriously, ani Bistek, wala na siyang ideya sa kasalukuyang medical condition ni Kris.

Although friends naman daw sila, matagal-tagal na silang walang communication whatsoever.

“I’m not aware but… I hope na gumaling na siya kasi bata pa si Bimb, ‘di ba? So sana pagaling na siya and ‘wag siya masyadong mag-isip. She just has to enjoy life. Siyempre, hindi naman natin sinasabi na isip siya nang isip kaya siya nai-stress. Kasi talaga namang stressful ‘yung situation (niya). Just enjoy life. ‘Yan, may love na, tuluy-tuloy na ‘yan dapat. Parang ako!” pahayag pa niya.

Sa ngayon, busy si Bistek sa pag-a-undergo ng iba’t ibang workshop bilang paghahanda sa plano niyang pagdidirek ng pelikula.

Tapos na siya sa scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee. May materyal na siyang nagawa kaya abangan na lang daw ito.

AUTHOR PROFILE