Okubo Sina NCRPO chief PMGen. Edgar Allan Okubo at MPD director PBGen. Andre P. Dizon habang nagbibigay pahayag kaugnay sa patuloy na pagsuporta sa programang ‘Revitalized Pulis sa Barangay’ (R-PSB). Kuha ni JON-JON REYES

Binyagan sa Tondo, pinaunlakan nina Okubo, Dizon

June 24, 2023 Jonjon Reyes 237 views

PINANGUNAHAN nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Edgar Alan Okubo at Manila Police District (MPD) director “The Game Changer General” Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon ang binyagang bayan na ginanap sa Barangay 128 Upper Smokey Mountain, Balut Tondo, Maynila nitong Sabado, Hunyo 24.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) ng MPD, umabot sa 150 bata ang sumailalim sa mass baptismal sa nasabing lugar.

Naging matagumpay ang malawakang binyagan na dinaluhan nina Okubo at Dizon na mismong NCRPO chief Chaplain na si Rev. Fr. Melky Ukat ang nagbasbas at nagsagawa ng seremonya katuwang si P/Col. Marlon Labares ng NCRPO.

Kabilang ang nasabing binyagan sa mga aktibidad upang panatilihin ang ugnayan ng pulisya at barangay sa lugar na inorganisa ni Okubo.

Tanging birth certificate lang ang hiningi para mapagkalooban na maisama ang bawat bata sa nasabing binyagan sa tulong na rin ng mga opisyales ng barangay bilang tugon sa programa ng kapulisan.

“Let us continue supporting the Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) program in the delivery of basic services to the community. This is a job well done. May God continue to guide and bless the Manila’s Finest,” ani Dizon.

“It is my desire that our men in NCRPO will go down to the community and implement the revitalized police in the barangay. Let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police are,” pahayag naman ng NCRPO chief.

AUTHOR PROFILE