BINI1

BINI gumagawa ng world record sa musika

June 28, 2024 Aster Amoyo 92 views

BINIBINI2NAKATUTUWA ang kasikatang tinatamasa ngayon ang all-girl Filipino pop group na BINI na may sarili nang fandom called Blooms.

Sa halip na pawang K-Pop groups lamang ang sinusuportahan ng Filipino fans, it’s about time na sariling atin naman ang bigyan ng pansin at suporta.

Kung kaya ng mga K-Pop groups ng South Korea, kayang-kaya rin ito ng mga P-Pop groups sa Pilipinas na sinimulan ng BINI at ang all-male group na BGYO lalupa’t napakarami nating talented singers, dancers and performers.

Konsepto ng director at head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na si Laurente Dyogi na makapag-create ng sariling P-Pop groups sa tulong ng binuong Star Hunt Academy. Out of 250 auditionees, 12 rito ang napili and out of the 12 ay walo lang ang sinala na siyang bumubuo ngayon ng BINI na sina Maraiah Queen `Aiah’ Arceta, Nicolette `Colet’ Vergara, Mary Loi `Maloi’ Ricalde, Gweneth `Gwen’ Apuli, Stacy Aubrey Sevilleja, Mikhaela `Mikha’ Lim, Sheena Mae Catacutan at si Jhoanna Robles.

Tulad ng mga K-Pop groups sa South Korea, sumailalim din na two-year training ang BINI maging ang BGYO under Star Hunt Training Camp sa ilalim ng voice coach na si Kitchy Molina, dance chorographer na si Mickey Ferz maging ang Korean coaches for MU Doctor Academy na nakipag-collabarate sa mga Korean chorographers na sina Moon Yeon-joo at Kwak Seong-chan na dating nakatrabaho ang mga popular K-Pop groups sa South Korea.

For their pre-debut launch, BINI recorded Ryan Cayabyab’s novelty song na “Da Coconut Nut” na ginawang electropop ang arrangement and the group performed the song on “It’s Showtime”for their debut appearance ang performance. Magmula noon, there was no stopping sap ag-arangkada ng BINI laluna nang lumabas ang kanilang mga singles na “Born to Win,” “Kapit Lang,” Karera,” “Pantropiko,” ”Made for All” at iba pa.

Dahil sa kasikatan ngayon ng BINI, naging in-demand ang grupo sa iba’t ibang product endorsements at kasama na rito ang Maybeline beauty products, snack brand na Super Crunch, Samsung, Puregold, Shopee, Jollibee, Coca-Cola at iba pa. Kasunod na rito ang kanilang sold-out first concert ever na ginanap sa New Frontier Theater kahapon, June 28 na pinamagatang “BINIverse”.

Kasunod na rito ang kanilang USA and Canada tour.

Kung tutuusin, kaya nang punuin ng BINI ang Big Dome (Araneta Coliseum) pero sinimulan muna nila ito sa New Frontier with a smaller capacity. In time for the concert ay naglabas din ang Star Magic ng sarili nilang merchandising products na agad pinilahan ng mga fans or Blooms ng BINI.

Ang BINI ang kauna-unahang Filipino pop group na nag-top sa Billboard Philippines songs chart at sila rin ang kauna-unahang grupo na nakatanggap ng Billboard Philippines Women in Music `Rising Star’ Award. Nito lamang nakaraang June 9, 2024 ay pumasok ang BINI sa Top Artist Global Chart on Spotify at 193rd place, making them the first Filipino artists to achieve this record.

Ang BINI ay hango sa Tagalog word na `binibini’ (young lady).

Since kaya ng Star Magic mag-create at magpasikat ng P-Pop group tulad ng BINI at BGYO, tiyak na may kasunod pa ang mga ito.

Samantala, super proud din sa grupo ang kanilang tatay-tatayan na si Laurenti Dyogi sa narating ng BINI na siyang resulta ng kanilang pagiging matiyaga na marating ang kanilang katayuan ngayon.

Same sex marriage pwede na sa Thailand

SexSex1ANG Thailand ang pangatlong bansa sa Asya (next to Taiwan and Nepal) na allowed na ang same sex marriage matapos lagdaan ni King Maha Vajiralongkorn ang batas nito lang June 18, 2024.

Ang Thai BL actors na sina Both Nuttapong at Newyear Kitiwhut ang unang celebrity couple na nakatakdang ikasal matapos mag-propose ng marriage si Both kay Newyear last July 26, 2024.

Tiyak na dadagsain ang Thailand and Taiwan ng mga Filipino gay couples para doon magpakasal dahil hindi pa allowed sa Pilipinas ang same sex marriage.

Sylvia excited na sa apo

SylviaSylvia1EXCITED ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde dahil malapit na silang magkaapo sa kanilang second child na si Ria Atayde at mister nito, ang actor na si Zanjoe Marudo.

Sina Ria at Zanjoe ay ikinasal in an intimate civil wedding in Quezon City nung March 23, 2024 and in a couple of months ay nakatakdang isilang ng aktres ang kanilang first bundle joy.

Ngayong July 28 ay magsi-celebrate ng kanilang first wedding anniversary ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza na ikinasal in Baguio City nung July 28, 2023 pero mauunahan silang magkababy nina Ria at Zanjoe.

Ria is due to give birth in a few month’s time kaya magiging masaya ang Christmas celebration ng Atayde Family dahil magkakaroon na sila ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

It was in January 2023 nang kumpirmahin ng actor na si Zanjoe ang relasyon nila ni Ria. They got engaged in February this year na sinundan ng pagpapakasal nung March 23, 2024.

2NE1 nangangamoy reunion

SandaraNAG-SPARK ng excitement among the fans ng iconic K-Pop all-girl group na 2NE1 ang posibilidad na magkaroon ng reunion project ang disbanded group na kinabibilangan nina Dara (Sandara Park), Park Bom, Minzy and CL matapos magkaroon ng meeting ang leader ng grupo na si CL with the CEO and chairman ng YG Entertainment who founded the group nung 2009 hanggang sa ma-disband ang grupo nung 2016. Although wala pang official statement na nagmumula sa magkabilang kampo, apaw ang pananabik ng mga fans ng grupo na magkaroon ng reunion project hindi lamang sa pamamagitan ng kanilang bagong kanta kundi maging sa kanilang reunion concert.

Although nag-solo na ang mga dating members ng grupo including Dara, bukas pa rin ang dating members ng 2NE1 for a reunion project bagay na ikinatuwa ng kanilang mga fans.

Baby Giant malaki ang utang na loob kay Coco

GiantHINDI ikinakaila ni Renz Joshua Bana na mas kilala ngayon as Baby Giant na may pressure umano sa kanyang part na i-fill-up ang naging papel ni Dagul Pastrana sa iconic kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na magbabalik na sa ere sa darating na Lunes, July 1 bago mag-TV Patrol.

Kung dati-rati’y once a week lamang napapanood ang “Goin’ Bulilit” tuwing araw ng linggo, ngayon ay ginawa na itong araw-araw.

Nagpapasalamat si Baby Giant unang-una kay Coco Martin na siyang nagbigay sa kanya ng malaking break na mapasok ang showbiz. Ito rin umano ang nag-recommend sa kanya kay Direk Edgar `Bobot’ Mortiz na mapasali sa newly-revived na “Goin’t Bulilit” na nagpaalam sa ere nung 2019 matapos ang 14 na taon nito sa ere. Marami ring mga kilalang personalidad ang nagmula sa programa at ilan sa mga ito ay sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Miles Ocampo, CJ Navaro, Mika de la Cruz, Kiray Celis at marami pa ng iba.

Ang founder at director na si Direk Bobot pa rin ang nasa likod ng bagong “Goin’ Bulilit” na binubuo ng mga bagong miyembro except for Jordan Lim na naging member ng programa bago ito nawala nung 2019. He is ten years na ngayon kaya may dalawang taon pa siya bago grumadweyt tulad ng mga naunang members ng sikat na kiddie gag show to give way sa panibagong miyembro.

Tulad ni Baby Giant, super excited din si Jordan at iba pang mga bata sa pagbabalik ng “Goin’ Bulilit” sa ere.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE