Alyansa Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (ikaanim mula sa kaliwa) kasama ang 11 senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na sina Bong Revilla, Benhur Abalos, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Ping Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Francis Tolentino, Camille Villar, Abby Binay at Pia Cayetano.

BINAY: SUPORTAHAN STRAIGHT ALYANSA

April 26, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 113 views

NANAWAGAN si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na suportahan ang buong slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Sa isang presscon sa Dagupan, sinabi ni Binay na hindi sapat na isa lang ang manalo. Kailangan ng buong team sa Senado para maisulong ang tunay na pagbabago at maipatupad ang mga ipinangakong programa.

“I think we fail to realize that the Senate is a collegial body. Kahit maipanalo ko ang sarili ko, pero ‘yung mga kasamahan ko na mananalo din ay hindi parehas ng adbokasiya, e ‘di hindi ko rin mapu-push ‘yung adbokasiya ko,” ani Binay.

Aniya, kahit manalo siya kung ang mga kasama niya sa Senado ay hindi kapareho ng kanyang adbokasiya, hindi rin niya magagawa ang mga ipinaglalaban niya.

“So hindi po puwede na ang kampanya ay ako lang. Kailangan po, ikakampanya lahat. Dahil anong mangyayari sa’yo kung ikaw lang ang nanalo sa Senado at hindi mo kakampi ‘yung mga kasama mo? Lahat po ng campaign promises mo hindi mo magagawa because you will not get the support of your colleagues,” saad pa nito.

Dagdag pa niya, hindi puwedeng solo-solo ang kampanya. Kailangan ay buong team ang ikampanya para magtagumpay ang mga plano para sa bayan.

“So it is important, the approach always in the campaign is ‘kami pong lahat.’ Hindi po puwedeng ‘ako lang,’ kailangan ‘kami’,” wika pa niya.

Kasama ni Binay sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas sina Benhur Abalos, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo at Camille Villar.

AUTHOR PROFILE