Binatilyo

Binatilyo tiklo sa pag-aagaw ng boga, tiklo

April 20, 2025 Melnie Ragasa-limena 155 views

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang binatilyo na isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng baril ng security guard sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City noong Biyernes.

Kinilala ni QCPD director P/BGen. Melecio Buslig Jr. ang suspek na si alyas Mutas, 18.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, station commander ng QCPD Project 6 Station (PS-15), bandang alas-10:30 ng gabi nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa pagbabanta ng suspek sa mga dumadaan sa Mindanao Avenue, Brgy. Project 6.

Nagresponde ang mga pulis at naaktuhan ang suspek na nagtangka pang tumakas ngunit mabilis din itong nadakma ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng cal .38 revolver na may tatlong bala.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Mutas isa sa mga suspek na sangkot sa viral incident kung saan ninakaw ang baril ng security guard sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City matapos marekober sa kanya ang lisensyadong security service firearm ng guwardiya na nakarehistro sa PNP-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Kakasuhan ang suspek ng alarms and scandals, paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 na sinususugan ng RA 7166 (Omnibus Election Code).