Patay Ang biktima na patay matapos tambangan sa ibabaw ng tulay. Kuha ni JONJON C. REYES

Binata pinatay sa ibabaw ng tulay

June 17, 2024 Jonjon Reyes 84 views

DEAD ON SPOT ang isang 20-anyos na binata matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek lulan ng isang sasakyan sa ibabaw ng Delpan Bridge sa Tondo,Manila, madaling araw ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Lenard Musa Antonio, 20, residente ng 305 Valderama St.,Brgy. 28, Binondo, Maynila.

Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 4:45 ng madaling araw ng tambangan ang biktima at pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang kalalakihan lulan ng pulang kotse.

Base sa salaysay ng mga bystanders sa lugar, nakarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril na nagmumula sa Delpan Bridge at namataan nila ang pulang kotse sa lugar ng insidente na tumungo sa Bonifacio Drive matapos ang insidente.

Agad tumungo sa nabanggit na lugar ang mga testigo at nakita ang duguang biktima na nakahandusay at wala nang buhay.

Agad inireport ang nangyaring insidente sa MPD Delpan Police Station 12. Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar para ikordon ang lugar bago pa man itinawag sa Homicide Section.

Dumating din sa lugar ang Forensic Unit SOCO at pinroseso ang pinangyarihan ng krimen. Narekober ang siyam na fired cartridge case at dalawang deformed na bala.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon sa motibo sa likod ng pamamaslang.

AUTHOR PROFILE