Default Thumbnail

Binata, binoga ang tuhod sa Tondo

June 24, 2023 Jonjon Reyes 490 views

KASALUKUYANG inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang isang 22-anyos na binata makaraang tamaan ng bala sa tuhod sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang biktima ay tambay, ng Barangay 111 sa Tondo.

Agad naman natimbog ang papatakas sanang suspek, 28, na residente rin sa lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Police Executive Master Sargent Richard Escarlan kay P/Lt. Col. Willy Fabros, commander ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station (PS) 1, bandang 10:40 ng gabi (Hunyo 23), nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan ng Herbosa at Mata Streets sa naturang barangay.

Ayon sa isang nakasaksi, habang nakaupo sa motorsiklo ang biktima ay nilapitan ito ng suspek saka bigla umanong tinutukan at binaril sa kanang tuhod gamit ang isang improvised firearm.

Mabilis naman na isinugod sa pagamutan ang biktima, kasabay nang pagaresto sa suspek at iniimbestigahan ang motibo sa nasabing pamamaril sa binata.

Dahil dito, nahaharap sa kasong “frustrated homicide” ang suspek.

AUTHOR PROFILE